SHAINA MAGDAYAO NAG-SHARE NG KARANASAN SA COVID-19

KASAMA na si Shaina Magdayao sa tally ng mga tinamaan ng Omic­ron variant ng CO­VID-19 matapos siyang magpositibo noong Ja­nuary 9.

Ani Shaina, kung kelan katatapos lamang ng kanyang booster shot, saka pa siya tinamaan ng COVID, kaya ang akala nilang lahat at effect lamang ito ng gamot.

“So we thought my fever was just due to my shot,” aniya, kaya nagpahinga lamang siya at uminom ng gamot, pero tumaas raw ang lagnat niya at nag-chill pa siya bukod sa pagkakaroon ng sore throat, matin­ding ubong may plema at sipon, bukod pa sa nagkaroon siya ng rashes sa buong katawan. Doon lamang umano siya nakaisip na magpa-antigen test, at nagpositibo nga siya sa Omicron. Ni hindi raw niya alam kung saan siya nahawa ng nasabing sakit.

Sa ilang araw ng kanyang isolation, ang dasal daw lamang niya ay ang kaligtasan ng karamihan. Nagpapasalamat din umano siya sa Diyos na hindi niya nahawa ang kanyang pamilya.

“Most of the people I know are positive and are reco­vering,” dagdag pa niya. “Thank God my family is safe and healthy.”

Mahigit 35,000 na ang new cases ng COVID ang naitala sa bansa at patuloy pa itong dumarami. — KNMartin