Kahit nahirapan at sumakit ang katawan sa training, ready na sa fight scenes si Shaira Diaz.
Handang-handa na raw si Shaira sa kanyang challenging role sa upcoming GMA Telebabad series na Lolong.
Kamakailan lang ay ipinasilip ng Kapuso actress ang ilan sa paghahanda niya para sa kanyang fight scenes sa kanyang vlog. Ibang klaseng face-to-face combat training ang kanyang pinagdaanan kasama ang kanyang co-star na si Ruru Madrid.
“By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus kaya okay naman. Safe naman basta siyempre ‘wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid,” pahayag ni Shaira.
Ipinamalas naman ni Shaira ang kanyang mga natutunan sa rehearsal ng isang fight scene kung saan akmang sinugod siya ng tatlong armadong lalaki.
Abangan ang action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, soon on GMA Network!
MICHAEL V NAUBOS ANG PASENSIYA
Halos maubos ang pasensya nina Elsa (Manilyn Reynes), Chito (Jake Vargas) at Pepito Manaloto (Michael V) sa comedy show na may titulong Pepito Manaloto ngayong Sabado ng gabi sa GMA, pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition.
Naka-encounter ang tatlo ng makukulit na tao na madalas tumawag sa kanila via cellphone. Si Elsa, may nangungulit na cup cake customer. Si Pepito naman ay isang masahista ang makulit. Si Chito naman ay may caller na nangungulit dahil dito’y nagpanggap si Chito siya’y driver ng pamilya.
Abangan ang nakababaliw na katatawanang sa Pepito Manaloto ngayong Saturday night.
Comments are closed.