SHARON CUNETA DEDMA SA NETWORK WAR NG GMA 7 AT ABS-CBN

BINALEWALA ni Sharon Cuneta ang network war ng GMA 7 at ABS-CBN nang hotshotspumunta siya sa bakuran ng Kapuso Network para mag-guest sa show ni Vicky Morales na Wish Ko Lang. Naka-post nga sa Instagram ng Megastar ang paglabas niya sa nasabing public service program ng GMA 7.

Sa video, makikita na kinakantahan ni Sharon ang news anchor na si Rhea Santos. Ni-repost  nga ng Megastar ang video na ito mula sa isang IG user na si @evaramos_tmu.

Ang pagpunta ni Sharon sa programa ni Miss Vicky ay para tuparin ang kahilingan ni Rhea na makita ng personal at makantahan siya ni Sharon mismo.

“Thanks to Vicky Morales, I was able to surprise Rhea Santos on Wish Ko Lang before she and her beautiful family left to Canada for good. We will miss you, (Rhea).”

Ang karugtong na caption, sinabi ng Megastar na ang isa pang dahilan kung bakit niya binalewala o ‘di sinunod ang network war sa pagitan ng dalawang magkalabang  istasyon, kahit na si Sharon ay isang certified Kapamilya  artist.

“Though I am a Kapamilya, I refuse to be part of the Network wars. All stations, especially GMA, have helped me to become what I have in my career. And I was a Kapuso for a long time in my younger years, and so I have a loving family  there, too. Lots of love always,” say pa ni Sharon.

At saka niya binanggit ang nag-upload ng video na lumabas sa episode ng Wish Ko Lang. Nagtagumpay naman si Vicky para matupad ang wish ni Rhea na makita ng personal at makantahan ng Megastar. Makikita rin sa video ang pagluha ni Rhea dahil sa kasiyahang nadama that day na makasama ang Megastar bago siya magpaalam sa GMA 7 at manirahan sa Canada kasama ang kanyang pamilya.

Dahil sa tagpong pagkikita nina Sharon at Rhea ay  naging emosyonal din si Vicky sa episode na `yon.

AI AI DELAS ALAS HANDA NANG MAGKAROON NG BABY KAY GERALD

KASAMA sa plano ni Ai Ai delas Alas nang ikasal kay Gerald Siba­yan ay magkaroon Ai Ai and Geraldsila ng sariling anak.

Sa mga past interview ni Ai Ai ay nasabi nito na magla-lie low muna siya sa trabaho para mag-focus na magka-baby sila through in vitro  fertilization.

Ang latest na balita ni Ai Ai ay may `embryo`  na sila for the in vitro. Dito lang sa bansa ang magi­ging proseso pero nakikita raw ni Ai Ai ay baka next pa ito gagawin at mangyayari.

Si AiAi  na rin mismo ang magdadala ng bata.

“Kaya ko naman, Malakas naman ako. Ita-try ko muna na ako, but I  hope, alam ko, mabait ang Diyos, magiging successful,” katuwiran ni Ai Ai.

Napapalakpak  at  masayang-masaya si Ai Ai dahil may `embryo` na sila for in vitro.

“Yehey, very good, thank you Lord. God is good.”

Gagawin daw lahat ni Ai Ai para maging successful ang plano nila magkaroon ng sariling anak.

Kahit daw ang kaniyang mga anak ay excited na magkaroon ng bagong kapatid.

“Kahit naman ako, excited ako. Kaya lang siyempre, kailangan munang mag-work. At ‘yung Mother`s Day movie ko rin sa Regal, kailangan  ko munang i-promote ‘yun.”

2 thoughts on “SHARON CUNETA DEDMA SA NETWORK WAR NG GMA 7 AT ABS-CBN”

Comments are closed.