SHARON CUNETA HINDI NA MATABA KAYA BALIK TV NA

faceup

HINDI na hebigat si megastar Sharon Cuneta. Ipinagmamalaki niya ngayong medium size na siya at hindi na XXL.

Limang taon din ang tiniis ni Ate Shawie bago niya nakuha ang perfect weight. Todo tiis at disiplina sa sarili ang kanyang ginawa, and finally, handa na siyang humarap uli sa camera. Ayos na ang katawan, schedules at mga health protocols para sa locked-in taping ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa Ilocos Sur.

Magsisimula si mega ng taping sa Nobyembre 14 at matatapos bago ng Disyembre 22, kaya excited na siya. Espesyal ang kanyang role kung saan gaganap siyang ina ni Julia Montes, na ang kanyang mister ay si Rowell Santiago. Mismong si Coco Martin ang mamamahala sa mga eksena ni Shawie.

Ngayong hindi na siya chubby, pwede na siguro ang naunsyaming balik-tambalang Sharon at Gabby Concepcion. Sino ba ang magsasabing 57 years old na si Gabby? Hayan at physically fit pa rin. At si Shawie, parang kapatid lang ang eldest daughter niyang si KC Conception. Pihadong matutuwa ang kanilang mga fans ‘pag natuloy ang balik-tambalan, lalo na kung kasama pa si KC.

HERBERT BAUTISTA DI ALAM NA IKAKASAL NA SI KRIS AQUINO

Hindi pala alam ni Herbert Bautista na ikakasal na ang ex-GF niya na si Kris Aquino kay Mel Senen Sarmiento. Hindi raw kasi siya nagmomonitor sa social media.

Pero masaya raw naman siya para kay Kris, dahil kahit nag-break sila after seven years na relasyon, naging mabuting magkaibigan naman sila.

“I’m happy for Kris,” ani Bistek. “Sana matupad lahat ng gusto niya.”

Disyembre (2021) rawikakasal ng sina Kris at Mel. Ano kaya ang hitsura ng wedding gown ni Krissy? Bongga kaya o simple lang? Sino kaya ang mga invied?

Basta, tuloy ang kasal nina Kris at Mel, at congratulations na lang.

MMFF TULOY NA

KUNG nuong isang taon, natuloy man ang Metro Manila Film Festival (MMFF), napanood lang natin ito via livestream, ngayong darating na kapaskuhan, tuloy ang taunang Pista ng Pelikulang Pilipino, at mapapanood na uli  ito sa mga sinehan sa kalakhang Maynila.

Magiging abala muli ang Metro Manila Development Authority sa pamumuno ni Chairman Benhur Abalos. Tungkol sa health protocols ng AITF, ang moviegoing public ay required na naka-facemask at face shield sa loob ng sinehan. May 19 na films entries ang naisumite at pipili ng walong entries na maglalaban-laban, pero, walang entry sina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin. Sila pa naman ang may panghatak ng mga bata para manood ng pelikula. Meron pa rin kayang parada ng mga artista at live na gabi ng parangal? Abangan natin! ###