SHARON CUNETA LAGING WALA SA IMPORTANTENG EVENTS NG DOS

sharon cuneta

HINDI nga ba sinasadya o pagkakataon lang na laging wala ang Megastar Sharon wallfaceCuneta sa mga importanteng okasyon o events ng ABS-CBN Network?

Una na rito ang Star Magic Ball 2018, kung saan ay napabalitang may handa na siyang susuotin na damit para sa isang annual event ng Star Magic pero walang Sharon Cuneta na dumating dahil may sakit siya that time.

Next ay ang ABS CBN new Station Christmas ID, na halos lahat ng Kapuso stars, maliban sa ilan din na hindi na kasama ay wala ring Sharon Cuneta na umapir, again health din ang dahilan. Ngayon naman ay sa 2018 Christmas Special na pinalabas kamakailan lang sa ABS CBN, walang production number si Megastar Sharon. Halos kumpleto ang lahat, nandoon din ang bagong Kapamilya na si Regine Velasquez –Alcasid. Kaya tuloy nagiging palaisipan ito sa followers ni Megastar.

Sinasadya ba o pagkakataon ang hindi pag-join ni Sharon? Say naman ng megastar, nagpadala naman siya ng mensahe sa ABS-CBN management na nagsasabing hindi kinaya ng kanyang katawan ang pagdalo sa taping ng naturang special. May flu at nagsusuka siya nang mga araw na ‘yun at binigay na dahilan ay ang over fatigue o sobrang pagod. Kung kaya dahil sa flu niya ay hindi siya makakanta sa special show na ‘yun.

Dagdag na say pa rin ni Megastar, sa sobrang hectic ng kanyang schedule prior sa taping ng Christmas special ng Kapamilya Network ay nasa shooting si Sharon sa Baguio City para sa bagong movie niya. Tuloy-tuloy pa rin daw ang kanyang promo para sa movie nila na ipinalabas kamakailan ang “Three Words For Forever”. At nang bumalik siya sa Manila after shooting and promo ay tuloy-tuloy pa rin siya sa work, sa promo naman ng kanyang bagong album.

May nakapuna nga sa sobrang pagod ni Sharon ay nabawasan siya ng timbang. Ani Sharon, halos may time daw sa ngaragan ng kanilang shooting ay hindi siya nakakain sa tamang oras, sa gabi na raw siya nakakain. Mas madalas kasi ‘pag break nila ay tinutulog na lang daw ni Sharon. Maging ang aktres/singer man ay nag-aalala para sa parating na Kapaskuhan, na sana raw ay wag siyang magkasakit din sa araw na ‘yun.

LOTLOT DE LEON NAGING EMOSYUNAL SA ARAW NG KASAL

IKINASAL na si Lotlot de Leon last Dec. 17, 2018 sa kanyang long-lotlot de leontime boypren na si Fadi El Soury sa isang private garden sa Batangas. Halos lahat ng kanyang mga anak at kapatid sa ina ay nandoon sa kasal ni Lotlot. Spotted sina Ian de Leon, Janine Gutierrez at mga kapatid nito at ma­ging ang ilang kamag-anak ng groom. Sobrang happy si Lotlot that day at mas lalo pa siyang naging emosyunal sa reception night.

Ang kumompleto sa kaligayahan ni Lotlot ay ang sayaw nila ng kanyang kinalakihang ama na si Christopher de Leon. Sa naturang slow dance ng mag-ama ay tila ayaw nang bumitaw pa ni Lotlot sa pagkakayap sa ama na tila dinarama ang kada minuto na magkapi­ling sila ng ama. Naging touching ang eksenang ‘yun at marami ang naantig sa mag-ama. Halos taon din ang binilang ni Lotlot para muling makapiling at makasayaw ang ama at nangyari uli ito sa araw ng kanyang kasal.

One thought on “SHARON CUNETA LAGING WALA SA IMPORTANTENG EVENTS NG DOS”

  1. 980937 862515This really is the fitting blog for anybody who desires to uncover out about this topic. You notice a great deal its nearly onerous to argue with you (not that I truly would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Good stuff, basically excellent! 345888

Comments are closed.