SHARON CUNETA PASOK DIN SA FPJ’s ANG PROBINSYANO

faceup

SI Sharon Cuneta pala ang malaking artistang papasok sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Matagal hinulaan ng mga showbiz writers kung sino ang malaking artistang magka-karoon ng special participation sa FPJAP at finally, natuklasan din. Si Sharon nga.

Bongga talaga si Coco Martin sa kanyang teleserye. Maganda ang konsepto, niya bilang aktor, co-producer at isa sa mga direktor ng FPJAP. Kinukuha niya ang mga sikat na artista dahil ika-anim na taong anibersaryo ng FPJAP. Siya kaya ang gaganap na ina ni Mara. ginagampanan ni Julia Montes?

Plantsado na ang special participation ni Ate Shawie kaya lang, di pa makapagsimula ng shooting si megastar dahil naka-quarantine ang production staff, crew at mga artistang kasama sa serye. May nagpositibo kasi sa corona virus at namatay pa ang talent coordinator dahil sa atake sa puso.

Kahit milyones ang gastusin sa lock-in taping, ayos lang kay Coco matuloy lang ang palabas. Tatlong production units ang sabay sabay na nagtatrabaho, pero waiting galore muna si mega. Pagkatapos ng quaratine period, saka siya papasok. Ang ganda pa naman ang lokasyon. Mapapanood natin ang mansiyon ni Gov. Chavit ‘Luis’ Singson na tabi ng dagat, sa Narvacan, Ilocos Sur.

May eksena rin kaya ang iba’t ibang animals sa zoo at historical spots sa Vigan City?

KC CONCEPCION, TUTOK SA PAG-AARAL

May dahilan pala kaya nasa Amerika si KC Concepcion. Nag-aaral pala siya ng gemology. Abala rin sya sa pagba-vlog. Kamakailan, muling pinag-usapan ang madalas nilang pagkikita ng fil-am hip-hop rap artist na si Apl ‘D.Ap. Walang pag-amin sa level ng kanilang pagkakaibigan, pero  may 384K subscribers na ang kanilang Youtube channel.

Nasa Los Angeles si KC. Iba raw ang buhay sa USA kumparasa Pillipinas, pero matatagal pa siya sa US dahil tatapusin niya ang kanyang pag-aaral.

“I’ve studied in American schools most of my life, it’s still different to be living in a place that you’re not familiar with as a local. But I love being a able to discover myself. I’m always up for new adventures so here I am.”

Sa huli niyang Vlog, ipinakita ang paghahanap niya ng apartment. “Guys, wish me luck. Pray for me. Send me a good vibes, send me light and love and I am sending it to you back, I hope everyone’s doing well.”

ALBERT MARTINEZ, PALABAN SA LOVESCENE

Walang angal na ginampanan ni Albert Martinez ang role pagkakaroon ng relasyon sa kanyang katulong. Kung tinanggihan niya ang pelikula,  pihadong magsisisi siya. Susme, sino ang tatanggi kung ang kaeksena mo ay si Miss International, si Kylie Verzosa. Mapanukso ang mga eksena nila ni Kylie sa pelikulang “The Housemaid.”

Sa tunay na buhay, senior citizen na si Albert. Kahit maputi na ang buhok, matipuno ang kanyang pangangatawan at matipuno pa rin,bukod sa alagang alaga niya ang kanyang kalusugan. Masaya siya, dahil muli siyang nagbida, sabay ng kanyang 40 taon na anibersaryo ng kanyang pag-aartista. Hindi kaya inspirado ang aktor dahil kaya kay Faith Da Silva na nababalitang current girlfriend niya? Sabi nila, kapag ang may edad na lalaki ay nagmahal ng batambatang babae, nakukuha niya ang kasiglahan at kabataan nito. Natagpuan na yata ni Albert ang fountain of youth. “

3 thoughts on “SHARON CUNETA PASOK DIN SA FPJ’s ANG PROBINSYANO”

  1. 40415 914957Discover how to deal together with your domain get in touch with details and registration. Comprehend domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 874080

Leave a Reply

Your email address will not be published.