SHARON CUNETA TULUYAN NANG SUMUKO SA PAGHIHINTAY KAY GABBY

IPINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang larawan during her meeting with Star Cinemareflection executives para sa bagong pelikula na gagawin niya.

Walang ibinigay na ibang detalye si Mega para sa bago niyang movie project except sa mga katagang ‘being presenting my brand new movie.’

Meaning, ibang pelikula na ang gagawin niya sa Star Cinema and forgotten na ang supposed-to-be movie na pagsasamahan nila ulit ni Gabby Concepcion.

Tuluyan nang sumuko si Sharon sa paghihintay at pakiki-deal sa mga demands sa dating kalabtim at ama ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Bukod diyan, may gagawing malaking konsiyerto si Sharon sa Araneta Coliseum para sa kanyang 40th year sa showbiz sa Setyembre.

Moving forward na talaga si Mega from Gabo at nais ipamukha sa aktor na aktibong-aktibo pa rin ang kanyang showbiz career kahit ‘di matuloy ang supposed-to-be project na gagawin nila.

Speaking of Sharon, girlfriend pala ng manliligaw noon na si Charlie Cojuangco si Department of Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat. Si Charlie ay  nagpakasal sa yumaong TV host na si Rio Diaz.

Two years nang magkarelasyon si Sec. Berna na isang biyuda at biyudong si Charlie. Inamin ni Sec. Berna ang relasyon nila ni Charlie during her interview sa show ni Winnie Monsod na “Bawal ang Pasaway” at bunsod na rin nang nababalitang relasyon daw niya kay Pres. Rudy “Digong” Duter-te.

Nalaman din namin na nanligaw pala ang dating Pangulong Noynoy Aquino sa elder sister niya na si Mons Romulo.

Ligawin pala ng mga Presidente ang mga kapatid ni former Pasig City Congressman Ramon Romulo na mister ng dating co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad, na ex-girlfriend din ni PNoy.

HAJJI ALEJANDRO KONSIYERTO SA IKA-4O TAON

KUNG may pa-concert si Megastar Sharon Cuneta for her 40th anniversary in showbiz, mauuna muna sa kanya ang orihinal na ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ nu’ng dekada ’70 at ‘80 na magse-celebrate ng kanyang anibersaryo si Hajji Alejandro.

Excited na si Hajji to celebrate his long and very successful career in showbiz via a concert titled “Powerhouse IV: Hajji Ako at Ang Aking Musika 45 Taon” na magaganap sa The Theater at Solaire on June 23.

Isa si Hajji sa talagang maituturing na mga ‘legend’ sa ating local music industry. Siya ang umawit ng sikat na sikat na OPM classics na “Nakapagtataka,” “Panakip-Butas,” “Ang Lahat Nito’y Para Sa Iyo” at ang “May Minamahal.”

Dahil sikat na singer that time, nakagawa rin ng mga pelikula si Hajji at isa doon ang movie nila ng Superstar na si Nora Aunor titled “Panakip Butas.”

Anyway, guests ni Hajji sa kanyang concert sina Rey Valera, Marco Sison, Rachel Alejandro at Celeste Legaspi.

Ang “Powerhouse IV: Hajji Ako at Ang Aking Musika 45 Taon” ay prinodyus ng Lucky Koi in cooperation with Solaire Resorts and Casino. Ito ang ikaapat na installment ng Powerhouse series kung saan kabilang sa grupo ng Lucky Koi si Ms. Lily Chua.

Mabibili na ang tiket sa Ticketworld kung saan puwedeng tumawag sa 891-9999 or visit ticketworld.com.ph.

6 thoughts on “SHARON CUNETA TULUYAN NANG SUMUKO SA PAGHIHINTAY KAY GABBY”

  1. Free online games… […]First off I want to say terrific blog! I had a quick question in which I’d like to ask if you don’t mind. I was curious to know how you center yourself and clear your thoughts prior to writing. I’ve had difficulty clearing my mind in getting my…

  2. You made some decent points there. I looked over the internet for that problem and located most people may go coupled with with all your site.

Comments are closed.