PINASARINGAN ni Sharon Cuneta ang bashers kahit hindi niya ito isyu o laban.
Kamakailan lang ay muling nagpatutsada ang Megastar sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng isang quotation. @reallysharoncuneta, “Anyone can find the dirt in someone. Be the one that finds the gold.”
Ang ipinaglalaban pala ng Megastar ay ang wife ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.
Ipinagtatangol ni Sharon si Jinkee sa mga bumabatikos dito dahil sa ginawa nitong pagpo-post ng mga magagara at mamahaling damit at women accessory.
Tahasang sinabi ni Sharon na walang karapatan ang sinuman na kuwestiyunin ang wife ng Pambansang Kamao. Wala raw karapatan ang mga bumabastos sa ginawang pagpo-post ng kanyang magagarang damit, sapatos, at bags dahil karapatan ni Jinkee na magkaroon ng ganoon.
Ang punto ng Megastar ay nananatiling tapat at mapagmahal si Jinkee kay Manny sa hirap at ginhawa. Hindi bumitaw si Jinkee kay Manny noong nagsisimula pa lang sila hanggang ngayon.
Naghirap at nagtiyaga raw si Jinkee kay Manny kaya may karapatan itong i-pamper ang sarili ngayong nakakariwasa na sila at mayroon na siyang pambili ng kahit anong gustuhin niya sa buhay.
May nagulat at mayroon din nakaunawa kay Sharon kung bakit niya ipinagtatanggol si Jinkee sa mga bumabatikos dito. Minsan na rin kasi nakatikim ng masasakit na salita si Megastar dahil sa ginawa rin nitong pagpo-post ng kanyang kayamanan.
Ano nga naman ang pakialam ng mga bumabatikos sa dalawa. Wala naman silang tinatapakang ibang tao.
DINGDONG DANTES SIMPLENG NAG-CELEBRATE NG BIRTHDAY
LAST August 2, ang birthday ni Dingdong Dantes at sa post ni Marian Rivera ay makikita at malalaman na nagkaroon sila ng simpleng lunch sa isang restaurant habang kinakantahan siya ng happy birthday ng mga waiter.
Samantalang sa Instagram story naman ni Dingdong ay makikitang masaya silang namamasyal mag-asawa sa isang mall na marahil papunta sa naturang resto na kanilang pagkakainan.
Isang simple birthday greeting ang ipinost ni Marian sa kanyang Instagram. Makikita sa kanyang post ang larawan nila ni Dingdong na magkasama at may caption siyang isinulat na, “Feliz cumpleanos Mi Amor!” (salitang espanyol).
Sa IG story naman ni Marian ay may caption siya sa larawan nila ng “I love you mahal.”
Kung gugustuhin ng mag-asawang Dingdong at Marian nang magarbong birthday celebration ay puwedeng-puwede, pero eversince ay hindi mahilig magpa-party si Dingdong at mas gusto niyang ipagdiwang ang kaarawan na simple kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
KRIS AQUINO NAKADALO SA PREMIERE NG INT’L FILM
NAKATULONG ang prayers ng supporters ni Kris Aquino na makadalo ito sa premiere night ng kanyang international film na Crazy Rich Asian sa Los Angeles. Binigyan na kasi siya ng kanyang doctor ng medical clearance para makadalo sa naturang premiere night ng kanyang movie.
Noong una ay hindi pa sigurado kung makaalis dahil unang-una ay ayaw siyang payagan ng mga kapatid umalis pagkatapos ng nangyari sa kanya sa Indonesia na muli siyang inatake ng kanyang allergy at kinailangan ilipad pabalik ng ating bansa.
Pumayag lang ang kanyang mga kapatid kung isasama ni Kris ang kanyang personal doctor. Kaya kasama ni Kris lilipad papuntang Los Angeles ang kanyang doctor at mga anak na sina Josh at Bimby atbp.
Para masiguro na hindi na muling atakehin ng allergy si Kris ay sa isang allergy free hotel room sila nag-check-in. Aware na raw kasi ang mga hotel sa Tate na deadly sa health ng tao ang allergens, kaya mayroon silang kuwarto na allergy free.