SHARON NAG-PALPITATE SA PAGTATANGGOL KAY OGIE ALCASID

SHARON-OGIE

KUNG si Ogie Alcasid ay dedma lang sa kanyang basher, si Sharon Cuneta ay ‘di pinalampas anghot shots naturang basher para ipagtanggol si Ogie. Inaway-away kasi ng basher si Ogie na sinabihan ng kinaray-karay si Regine Velasquez sa ABS-CBN dahil wala na itong career.

Ang reaction lang ni Ogie sa basher ay, “God bless you.”

Si Regine ang sumagot para kay Ogie at ipinagtanggol din sila ng Megastar na sa sobrang galit ay nag-palpitate nang mabasa ang ginawang panlalait kay Ogie.

Tama lang ang sinabi ng Megastar sa basher na manggalaiti man ito sa galit ay maganda at maligaya pa rin ang buhay nila kumpara sa basher.

Samantala, natuwa si Sharon na may fan na sila ni Regine na tinawag na “reginesharon fan” na tinanggap ng buong puso ng Megastar. Sinagot naman ito ng kanilang fans na darami pa sila dahil marami raw ang nagmamahal sa kanila.

Kung walang magi­ging problema ay baka matuloy ang project ng pagsasamahan nina Regine at Sharon next year. Dalangin ng fans nila na sana raw ay concert ang gagawin ng da­lawa o kaya musical show sa TV.

ROBIN HUMINGI NG DISPENSA KAY SHARON SA ‘DI PAGPUNTA SA CONCERT

ROBIN PADILLANAKARATING na kay Robin Padilla ang hinanakit ni Sharon Cuneta sa kanya dahil sa hindi pagsipot sa nakaraang 40th anniversary concert ng Megastar.

Matatandaang nag­litanya si Sharon sa Instagram page ni Robin at sinabing hindi man lang daw ito naglaan ng kahit 2 oras sa kanyang concert samantalang nakadalo ito sa ABS-CBN Ball. Kaya nakapagbitaw ng salita si Sharon na hindi na raw niya kailangan si Robin at magkalimutan na sila.

Sinagot ito ni Robin at aniya, “ikinalulungkot ko pong higit ang hindi ko pagdating.”

Ipinost pa last Monday ng isang fan ang mahabang sagot ni Robin kung saan nagpapaliwanag ang actor kung bakit hindi nakadalo.

Sa na­ging paliwanag ni Robin ay nagbibigay- pugay lamang siya kay Richard Gomez na siyang kasama ngayon ni Sharon sa pelikula. Doon pa lang ay maiintindihan mo na kung bakit hindi na ito dumalo. In short, ayaw umagaw ng eksena ni Robin sa dalawa na may pelikula na nakatakdang ilabas sa mga sinehan.

Anyway, nagbigay ng katiyakan si Robin na maayos din ang sama ng loob ng Megastar.

“’Wag kayong mag-alala mga anak ko makakapag-usap din kami ni Kambal sinisiguro ko sa inyo ‘yan ‘wag lamang ngayon at nababalot ng politika ang bawat sulok at pagbibigay pugay rin kay Mayor Goma at sila ni kambal ang may pelikula,” pahayag ni Robin.

Nangako rin si Robin sa kanilang fans na luluhod daw siya sa asin para magpaliwanag kay Sharon.

“Pangako sa inyo luluhod ako sa asin at magpapaliwanag kay kambal. Tandaan niyo palagi hindi ko sinasadya na hindi dumating doon sadyang may pagkakataon sa mundo na hindi nakatadhana. Maraming-maraming salamat sa inyo,” patuloy pa ni Robin.

Masaya at natuwa naman ang fans ng tambalang Sharon at Robin sa naging paliwanag ng actor at nakahinga na sila ng maluwag. Sana raw ay mabasa rin ito ng Megastar.

LOTLOT DE LEON IKAKASAL NA SA KANYANG LEBANESE BF

LOTLOT DE LEONWALA nang atrasan ang pagpapakasal ni Lotlot de Leon sa Lebanese fiancée na si Fadi El Soury sa Disyembre 17 at ito ay gaganapin sa resort events place na pag-aari ng pamilya ni Pia Guanio.

Pero hindi magagawang ihatid si Lotlot ng adopted father niyang si Christopher de Leon kaya ang anak niyang lalaki na si Diego ang maghahatid sa kanya sa altar. Ang tatlong babae niyang anak na sina Janine, Jessica at Maxine naman ang magsisilbi niyang maid of honor.

Darating din sa kasal ang tatlong kapatid ni Lotlot sa American father at ang mga magulang ng kanyang mapapa­ngasawa.

Gustuhin man dumalo ng biological father ni Lotlot ay hindi uubra dahil  kaka-opera lang nito.

Dahil may edad na rin si Lotlot at mahirap nang magkaroon ng baby. Ipapaubaya na lang daw nila sa Diyos kung mabibiyaan pa sila ng anak ng Lebanese fiancée.

Inamin ni Lotlot na pinag-uusapan nila ng kanyang fiancée ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, pero hindi naman daw ‘yun ang priority nila. Ang importante at mahalaga ay maging masaya ang kanilang pagsasama.

Inamin din ni Lotlot sa ginanap na grand presscon ng kanyang bagong series sa GMA 7, ang Asawa Ko, Karibal Ko na pinagbibidahan ni Kris Bernal, Rayver Cruz, Thea Tolentino at may special participation si Jason Abalos na hindi na niya magawang magpa-check-up.

Comments are closed.