SHARON NAG-REACT SA AKUSANG NAGPAPARINIG KAY KC

sharon cuneta

HINDI na nakapagpigil ang Megastar na si Sharon Cuneta kaugnay ng akusasyon ngThe point netizens na panay ang ‘parinig’ niya sa kanyang panganay na si KC Concepcion.

For a while, sa isang panayam, naging vocal naman ang singer-actress na may tampo siya sa anak dahil hindi na ito nagpaparamdam sa kanya kumpara sa kanyang mga kapatid na sina Frankie at Miel na super close sa kanya.

Buong akala ng netizens ay na-resolve na ng mag-ina ang kanilang differences hanggang lately, tila nagpatutsadahan na naman ang dalawa sa social media.

Nag-post si KC ng kanyang sweet, tender moments with her Dad Gabby Concepcion kung saan pinuri niya ito.

Kasabay nito, nag-post naman si Sharon tungkol kina Frankie at Miel na aniya’y proud na proud siya dahil sa pagi­ging loving at mababait ng mga ito.

Dahil dito, inakusahan ng ilang netizens na nagpaparunggit si Sharon kay KC na para bang pinalalabas nito na masamang anak ito na ikina-react ng kibitzers.

Sa latest post naman ng Megastar, pinuri niya si Angel Locsin at nili­tanya kung gaano kabuti ang Kapamilya actress sa kanya.

Sumegway naman ang isang basher at nagsabing:“That’s too much ms sharon. Puro k parinig s panganay mo. Nanahimik sya d k naaawa. Ngyon k lng nmn nagppost ng ganyan kc may purpose k para magparinig sa anak mo. D ako fan ni KC , naaawa lng ako bakit kailngan gawin mo ‘yan thru social media at proud k pa. Taas ng pinag-aralan mo at galing k s mrangal n pmilya, gamitin mo. God bless you!”

Tahasan namang sinagot ni Sharon ang akusasyon ng netizen na nagngangalang @mymp.28.

Banat ni Sharon: “@mymp.28 nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad? Ang tinatamaan guilty kahit hindi siya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman.”

Hirit pa ni Sharon, hindi raw alam ng publiko ang  totoong dahilan ng kanyang tampo kaya wala silang karapatang husgahan siya.

Aniya: “@tiptopsalamat Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam.”

Dagdag pa niya:”@rennetteledesmavaleriano Wala kayong alam talaga. Hahaha.”

BUBOY VILLAR SUWERTE SA ASAWA

MARAMI ang namangha  sa kumalat na photo ni Buboy Villar kasama ang kanyang asawa at mga anak.

May mga nakyutan sa dalawang anak ng aktor at pati na sa asawa nitong dayuhan na si Angillyn Serrano Gorens.

Sey ng netizens, suwerte raw si Buboy dahil namana ng mga anak nito ang genes ng maganda niyang misis.

Ito ang ilan sa naging komento ng netizens sa kanyang pamilya: “Ang ganda ng lahi ni Buboy.”, “Ok naman ‘yan kahit na lima pa anak. Ang maha­laga, he can support them and give them a good life,” “Dalawa na pala anak niya? Ang gaganda! Pero sana tigil muna at mag-family planning,” “Ang cute ng mga anak mo, idol. Mga magaganda pa!” “Ganda ng mga anak mo. Beautiful family.” “Puwede ring mag-artista ang mga anak mo.”

3 thoughts on “SHARON NAG-REACT SA AKUSANG NAGPAPARINIG KAY KC”

Comments are closed.