SHARON NAG-REACT SA AKUSANG NAGPAPARINIG KAY KC

Sharon Cuneta

HINDI na nakapagpigil ang megastar na si Sharon Cuneta kaugnay ng akusasyon ngThe point netizens na panay ang “patutsada” niya sa kanyang panganay na si KC Concepcion.

For a while, sa isang panayam, naging vocal naman ang singer-actress na may tampo siya sa anak dahil hindi na ito nagpaparamdam sa kanya kumpara sa kanyang mga kapatid na sina Frankie at Miel na super close sa kanya.

Buong akala ng netizens ay na-resolve na ng mag-ina ang kanilang differences hanggang lately tila nagpatutsadahan na naman ang dalawa sa social media.

Nag-post si KC ng kanyang sweet, tender moments with her Dad Gabby Concepcion kung saan pinuri niya ito.

Kasabay nito, nag-post naman si Sharon tungkol kina Frankie at Miel na aniya’y proud na proud siya dahil sa pagi­ging loving at mababait ng mga ito.

Dahil dito, inakusahan ng ilang netizens na nagpaparunggit si Sharon kay KC na para bang pinalalabas nito na masamang anak ito na ikina-react ng kibitzers.

Sa latest post naman ng Megastar, pinuri niya si Angel Locsin at nili­tanya kung gaano kabuti ang Kapamilya actress sa kanya.

Sumegway naman ang isang basher at nagsabing:“That’s too much Ms. Sharon. Puro ka parinig sa panganay mo. Nanahimik siya di ka naaawa. Ngayon ka lang namn nagpo-post ng ganyan kc may purpose ka para magparinig sa anak mo. ‘Di ako fan ni KC, naaawa lng ako bakit kailangan gawin mo ‘yan thru social media at proud ka pa. Taas ng pinag-aralan mo at galing ka sa marangal na pamilya, gamitin mo. God bless you!”

Tahasan namang sinagot ni Sharon ang akusasyon ng netizen na nagngangalang @mymp.28.

Banat ni Sharon: “@mymp.28 nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad? Ang tinatamaan guilty kahit hindi siya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman.”

Hirit pa ni Sharon, hindi raw alam ng publiko ang  totoong dahilan ng kanyang tampo kaya wala silang karapatang husgahan siya.

Aniya: “@tiptopsalamat. Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong ‘di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam.” Dagdag pa niya:”@rennetteledesmavaleriano Wala kayong alam talaga. Hahaha.”

HEART EVANGELISTA ‘ ‘DI FEEL NA MAGBUNTIS MULI

PAGKATAPOS na magkaroon ng miscarriage noong 2018, tila na-trauma na ang  fashionistang actress at product endorser na si Heart Evangelista.

Bilang fashion icon, marami  kasing followers at fans ang sumusubaybay sa misis ni Sorsogon governor Chiz Escudero.

Sey pa nga nila, excited silang makita ang actress in a maternity dress  na kayang-kaya niyang ikeri  dahil sa kanyang pagiging graciosa.

Kaya naman  natanong siya ng isang netizen kung kaya niyang  i­pagpalit ang pagkakaroon  ng baby kesa sa kanyang mga fashion events.

Game namang sinagot ni Heart ang tanong ng netizen na bagamat ikina-amuse ng karamihan ay ikinalito rin ng iba.

Aniya: “I have twins that I’ve been caring for since they were 5 years old. A husband, 3 cats, 4 dogs, staff and a career. A baby will make me dream bigger and work harder. It will only get me better.”

Reaksyon tuloy ng kibitzers, ayaw pa raw  sumubok na muling magka-baby ang  first lady ng Sorsogon.

Paliwanag naman ng ilan, safe lang daw ang answer ni Heart dahil parehong mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng baby at career bilang fashionista.

4 thoughts on “SHARON NAG-REACT SA AKUSANG NAGPAPARINIG KAY KC”

  1. 424701 860981Im impressed, I ought to say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me let you know, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too few individuals are speaking intelligently about. Im delighted i discovered this in my hunt for something about it. 598937

Comments are closed.