SHARON-REGINE CONCERT WALANG MANGYAYARING SAPAWAN

KAHIT feeling ni Megastar Sharon Cuneta na very mean ang bashers na pumupunashowbiz eye sa para­ting na concert nila ni Asia’s Songbird, na tiyak daw na may sapawang mangyayari sa kanila sa two-night “Iconic” concert nila sa Araneta Coliseum sa October 18 and Saturday, October 19. sinagot ito ni Sharon sa mediacon na ginanap sa Novotel Manila.

“I’ve always said na Regine is the better singer, but we have two different styles. I also know my strength. We both have come so far for different reasons and those reasons are all valid.

“It’s true that I have so much respect and admiration for Regine, but you know, I’m not naman a starlet who’s coming from nowhere. I’ve worked hard also, to get to where I am. So it’s coming of two different personalities, and I hope they respect that.”

Wala raw magaganap na sapawan sa kanila dahil hindi raw ito singing contest na may showdown.  Tanggap daw niyang si Regine ang best singer ng bansa.  Mahal na mahal niya si Regine at huwag daw namang sirain ang kanilang coming concert na tinawag nga niyang isang celebration.

Sumagot din si Regine, na never siyang nakipagsapawan sa mga nakaraan na niyang concert.

“Kapag may concert ako, hindi ako nakikipag-contest sa mga guests ko.  Yes, kontesera ako noong araw na nagsisimula pa lamang akong kumanta, pero iba na ngayon.  Obviously, me and Ate (tawag niya kay Sharon) have different styles.  Nakatrabaho ko na rin ang ibang artists na iba rin ang style sa akin.  Hindi po ako nanlalamon, hindi ako cannibal,” biro pa ni Regine.

Magkaiba ang boses nila pero maganda ang blending nila, kaya pinalakpakan sila nang pagbigyan nila ang media sa request na kantahin nila ang isa sa pamosong kanta ni Sharon, ang “Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan,” na sinulat ni Baby Gil ng Viva Entertainment, dahil hindi nila alam kung isa ito sa mga duets na gagawin nila.

“Perfect pitch kasi si Ate.  At ngayon ko nga lamang nalaman na talagang napaka-ganda pala ang kanta niyang “Bituing Walang Ningning” na mas gumanda ngayong binigyan ng bagong areglo ni Louic Ocampo na duet naming kakantahin ni Ate, nakakaiyak.”

GUESTING NI MAINE SA TWBA ‘DI NAGUSTUHAN NG MANONOOD

MARAMING hindi nagkagusto sa interview ni Boy Abunda kina Maine Mendoza at MAINE MENDOZACarlo Aquino para mag-promote ng first team-up nila sa BlackSheep Productions at APT Entertainment, ang “Isa Pa With Feelings.”  May mga nagsabi nga na hindi kaya malito ang fans kung sino ang leading man ni Maine dahil ang lahat ng mga itinanong ni Boy ay tungkol sa ibang actor na wala namang kinalaman sa movie at wala ring kinalaman kay Maine, samantalang ang kasama ni Maine ay si Carlo.

Wala na raw bang maisip itanong si Boy, kahit sa Fast Talk niya ay ang actor na hindi naman kasama sa movie at wala namang kinalaman kay Maine ang itinanong niya?  Akala raw nila ay worthy ang paggi-guest ni Maine pero nasira raw sa mga walang relevance na questions.

Ang “Isa Pa With Feelings (IPWF)” ay showing na in cinemas nationwide starting October 16.  Nga­yon pa lamang ay may more than 60 block screenings na ang movie na dinirek ni Prime Cruz at may schedules na rin sila ng international screenings.

Comments are closed.