SHEAR LINE

KAHAPON ay naging makulimlim.sa Metro Manila o bantulot ang pagsikat ng araw.

Kaakibat nito ang ulan-bon o pag-ambon na tila ulan.

Habang sa Bicol region ay naitala rin ang torrential rains at batay sa  mga advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) may kalat-kalat na  mga pag-ulan na magaganap sa nasabing lugar kasama ang Metro Manila, Southern Luzon Eastern, Western Luzon, Negrod Island at maging sa Bulacan dahil sa shear line.

Ano ang Shear Line?

Ang Shear Line ay isang uri ng weather system,  at makitid na linya kung saan nagtatagpo ang hanging malamig at mainit o mga hanging nanggagaling sa northern and southern hemisphere?

Bakit naman may pag-ulan kapag umiiral ang Shear Line?

Ang Shear Line ay kayang mag-produce ng kaulapan, dahil sa pagsasalubong ng magkasalungat na hangin hanggang bumigat at bumagsak sa anyo ng tubig at ito ang pag-ulan.

Batay sa record ng PAGASA, marami nang pag-ulan na naganap sa Pilipinas subalit hindi dahilan ang bagyo.

Kapag bagyo o weather disturbance ang sanhi ng pag-ulan, ang isa sa barometro ay  pagtasa sa sukat ng hangin at bilis ng kilos ng bagyo.

Kaya hindi dapat malito kung ang nararanasan na malalakas na ulan ay bagyo.

Dahil may mga panukat ang weather bureau kung anong weather disturbance o system ang umuulan.

Ngayon alam n’yo na!

EUNICE CELARIO