Shekainah Chen: YouTuber, mom, CEO

UNANG  pagpupugay ito sa isang ina ngayon buwan ng Mayo. Ipinakikilala namin sa inyo ang isang 25-anyos na inang may sariki nang kumpanya, ang Diet Coach. Siya po ay si Shekainah Mae Chen, ang CEO ng isang beauty and health supplement company.

Paano ba nagsimula ang lahat?

Hindi naging madali ang kanyang simula. Inuna niya ang pagiging YouTube vlogger hanggang sa makakuha siya ng sapat na subscriber, at pagkatapos ay itinayo niya ang sarili niyang kumpanyang tinawag niyang Diet Coach. Na-inspire kasi siya sa kanyang 615,000 strong subscribers kaya gusto niyang ibalik ito sa kanila. Tinuruan niya ang lahat na mahalin ang kanilang katawan. Siguro, nagtagumpay siya sa negosyo dahil sa kanyang entrepreneurial endeavors, fitness, at self-love.

Maraming kalaban ang kanyang produkto kaya umisip siya g mahusay na strategy – ang self-love. Siya mismo ang model ng kanyang produkto kaya kitang kita ang resulta. Nakikita ng customer ng first hand ang mga problemang sinusubukan nilang lutasin, at nireresolba ito ng mga beauty products ni Shekainah.

Bilang ina, bukas siya sa audience kung paanong nakakaramdam siya ng insecurity sa napakahabang panahon.

Sumubok siya ng mga unhealthy diet plans noong bata pa siya, at hindi niya ininda kung maaapektuhan man ang kanyang kalusugan – pumayat lang.

Matagal bago niya natutuhang tanggapin ang kanyang sariling kapintasan, lalo na ang kanyang katawang hindi gaanong kaaya-aya. Sa ngayon, okay na ang kanyang body weight kahit hindi ito perfect.

Mahalaga ang bawat karanasan para kay Shen. Halimbawa na lang, sinubukan niya ang calorie deficit diet, at nang makita niyang effective ito, saka lamang niya ipinakilala sa kanyang audience.

Aniya, dapat pakinggan ang sinasabi ng iyong katawan. At humanap ng routine na bagay sa’yo.

Aminado siyang may mga pagkakataong hindi niya nasusunod ang kanyang routine, kaya everyday, sinisiguro niyang meron siyang physical activity tulad ng treadmill kahit ilang minute lamang, o kahit hula-hoop kung talagang walang panahon. Kailangan daw lamang na maging creative at consistent.

Sa kabila ng lahat, dapat raw ay inuuna natin ang ating self-esteem. Na-insecure daw si Shen matapos manganak dahil napakahirap bumalik sa dating figure. Isa pa, may baby siyang dapat isipin kaya hindi siya pwedeng magpabaya sa pagkain.

Ngunit mahirap pa ring tanggapin ang ibinigay sa kanya ng pagbubuntis tulad ng mom belly, stretch marks, at marami pang iba. Pero eventually, nagkaroon siya ng self-love at unti-unti niyang nagawan ng paraan ang lahat.

Nakatulong din ito sa kanyang negosyo, ang The Diet Coach. Siniguro niyang nakakapag-produce siya ng content na may maganda at uplifting visuals, na puno rin ng impormasyon, hindi lamang para makapagbenta ng produkto, kundi para na rin makapag-communicate sa audience, upang mas maunawaan nila ang overall message ng pangangalaga sa sarili. Ipinakita niyang siya mismo ay gumagamit at nag-i-enjoy sa produktong kanyang ibinibenta tulad ng Ultra Collagen Drink at Ultra Gluta Glow.

Dahil talagang mahirap at challenging ang pagpapapayat matapos sa baby nilang si Chlea, ginawa niyang inspirasyon ang kanyang anak upang magawa niya ang kanyang gusto. Ngayon, isa na siyang sikat na vlogger at content creator, CEO ng isang thriving business at masayang ina. Mahirap pagsabay-sabayin, pero kaya ni Shen. Aba, nanay yata yan! Hurray, Shen, at sa lahat ng mga ina. NLVN