TAPOS na ang Pasko subalit patuloy ang pag-ulan ng regalo sa paghahayag ng Shell Rimula ng 99 winners sa kanilang “Tatag, Sipag at Lakas” Christmas raffle promo.
Ang grand draw ay ginanap noong Disyembre 14 sa ilang piling jeepney terminals sa NCR, CAR, Regions I, II, III, at IV. Sa pamamagitan lamang ng pagbili ng Shell Rimula products at paglagay ng product caps sa loob ng envelopes at paghulog sa sealed boxes ng partner stores sa nabanggit na mga rehiyon, pasok na agad ang mga lumahok sa nasabing raffle promo.
Ang kabuuang 99 winners ay mula sa tatlong geographical clusters—NCR, Region 1 cluster (kasama ang Regions I, II, III at CAR) at Region 4 (kasama ang Regions 4A at 4B).
Tatlong winners bawat cluster ang nagwagi ng P20,000 cash capital at P10,000 naman para sa partner stores. May 20 ding nagwagi ng isang taong supply ng Shell Rimula RX4 na nagkakahalaga ng P5,000, limang winners ng mobile phones na may load wallet na naglalaman ng P1,000 at limang winners na nag-uwi naman ng P2,500 halaga ng groceries.
Ang major winners ng P20,000 cash capital at ang kanilang partner stores ay ang mga sumusunod:
NCR- Alejandro Lopez Jr. (partner store: ARC Auto Parts). Josephine Caido (partner store: Quirino Auto Supply), at Alfredo C. Austria (partner store: Duereco Auto Supply).
Region 1- Roderick de Guzman (partner store: E&E Auto Supply), Lorenzo Laurente (partner store: Redman Trading), at Francisco Mabborang (partner store: RCB Hardware).
Region 4 – Flores B. Calibuso (partner store: New Cavite Auto Supply), Richard Oro Wite (partner store: JS Rivera T&G), at Erwin C. Abregunda (partner store: Red Star Auto Supply).
Lahat ng iba pang nanalo ay tatawagan ng Pilipinas Shell para sa detalye kung paano at saan nila maaaring makuha ang kanilang mga premyo.
Comments are closed.