SHELL, SEAOIL AT IBANG FUEL COMPANIES NAG-ROLL BACK NA RIN

FUEL

NAGPAHAYAG ang ilan pang fuel companies na sila ay nag-roll back na rin ng kanilang presyo sa petrolyo simula pa noong Sabado.

Nag-roll back ang Seaoil ng presyo ng kanilang gasolina ng P1.65 kada litro, diesel ng P0.60 kada litro, at kerosene ng P0.65 kada litro simula alas-12:01 ng madaling araw kahapon.

Samantala, nagbaba rin ng kanilang presyo ang Unioil at Jetti Petroleum, simula alas-6 ng umaga kahapon ng  P0.60 kada litro sa diesel, at P1.65 kada litro sa gas.

Simula naman ng alas-6 ng umaga ngayong araw, magro-roll back ang Pilipinas Shell ng kanilang presyo ng gasolina ng  P1.50 kada litro, kerosene ng P0.65 kada litro, at diesel ng P0.60 kada litro.

Sa kabilang banda, ang Petro Gazz ay magsisimulang mag-roll back ng presyo ng diesel ng P0.60 kada litro at gasolina sa  P1.65 kada litro simula alas-12:01 ng u­maga, ngayong araw, ayon sa report.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Petron, Flying V, at Phoenix Petroleum na sila ay magro-roll back ng kanilang presyo ng petrol­yo.

Ang galawan sa pres­yo ng petrolyo ay sumusunod sa pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado, pahayag ng the Department of Energy.

One thought on “SHELL, SEAOIL AT IBANG FUEL COMPANIES NAG-ROLL BACK NA RIN”

  1. 316829 436861Spot on with this write-up, I truly assume this site needs much a lot more consideration. Ill probably be once far more to read far more, thanks for that info. 736291

Comments are closed.