PUERTO PRINCESA CITY—Ipinagbabawal muna ng Mines and Geosciences Bureau ang pagkain ng mga shellfish mula sa Honda Bay dahil umano sa mataas na mercury content doon.
Ayon sa MGB, posibleng may kontaminasyon ng mercury ang mga mahuhuling shellfish sa Honda Bay dahil ang pantalan doon ay gawa sa tailings mula sa minahan ng asoge.
“Mataas kasi ang level ng mercury beyond the standard limit of the US Environmental Protection Agency,” ani Engr. Alvin Requimin, chief survey ng MGB sa rehiyon.
Ilan sa mga lugar sa paligid ng Honda Bay na nakikitang mataas ang mercury content ay ang Bakalan, Sicad-sicad, Tipay, Pakol, at Molmol.
Ayon kay Requimin, nagkaroon na ng ugnayan ang MGB at ang mga opisyal ng Puerto Princesa ukol sa isyu. Handa aniya ang City Council na gumawa ng ordinansa para rito.
Comments are closed.