Sa likod ng glitz and glamour ng mga pelikulang pinanonood natin, Tagalog man o foreign movies, may samut-saring kasaysayan bago pa ito naipalabas sa silver screen. You know, yung mga intriga, away at tsikahan ng mga crew members at artista, na hindi mailabas dahil sa nondisclosure agreements.
Bilang mga tagapanood lang, sapat na sa atin ang on-screen magic — wala tayong paki kung ano ang mga naging problema nila while filming. Basta magbabayad tayo ng P400 na may libreng popcorn, at yun na!
Halimbawa na lang, sa production ng “The Breadwinner is …” Hindi ba puno ito ng intriga dahil sa umano’y lihim na relasyon nina Maris Racal at Anthony Jennings na naging sanhi ng breakup nina Anthony at Jamella Villanueva? Laking isyu, pero tinapos ng pagso-sorry lang. E kung lahat, nakukuha sa sorry, wala na sanang pulis!
At mind you! Top grosser ang The Breadwinner is…
Parang nakatulong pa yata ang controversy.
Yung magic behind Espantaho — maraming kwestyon. Bakit napunta sa scarecrow ang kaluluwa ng painter, at what kind of unrequited love meron siya kay Lorna para i-haunt niya ito hanggang kabilang buhay? Hindi naipaliwanag.
Yung pananatili ng kaluluwa para alagaan ang anak, understandable. Pero yung pagkuha ng mga kaluluwa ng scarecrow para ilagay sa canvas, BAKET?
Yung Uninvited na ipinagmamarakulyo ng mga Vilmanians dahil natalo si Vilma Santos at Aga Muhlach, gosh, last minute filming yon, at muntik nang hindi makasama sa MMFF. Kahit gaano kagaling ang artista, kailangan ang preparation lalo na kung ang gagawing movie ay panlaban. Saka tandaan nyo, it only takes a good story and a good script na bagay sa character na ipo-portray ng artist para manalo ng award.
Marami pa sana tayong napuna pero kapos na ang space. Ang movies kasi, hindi lamang entertainment – ito ay masalimoot sa habi ng sakripisyo, ingenuity, at kontrobersiya. Mula sa on-set challenges hanggang sa off-screen drama, doon nabubuo ang pelikula, kung saan napapanood naman natin sa madilim na sinehan.
Sa isang tagong daigdig sa likod ng lens ng camera – kung saan bawat frame ay puno ng mga kwentong hindi pwedeng ikwento, may mga imperfections, ngunit nananatili pa rin tayong humahanga, dahil hindi nga natin alam ang mga darkest secrets, na minsan ay mas magical pa kesa sine.