SHOOTER NG MAGPINSAN HINAHANTING NA

baril

COTABATO CITY – HINAHANTING na ng pulisya ang bumaril at pumatay sa magpinsan sa lungsod ng Cotabato.

Ayon sa report, kinilala ang mga biktima na sina Arnold Chavez, 29, isang pintor at residente ng slaughter house, Barangay Rosary Heights 4; at pinsan nitong si Christopher Chavez, 36, pedikab driver na taga- Purok Jasmin, Barangay Rosary Heights 2 ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato City PNP, naglalakad lamang ang mga biktima sa Doña Pilar Street, Barangay Poblacion 4 pasado ala una ng madaling araw nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo gamit ang .45-caliber at .9mm pistols.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima at ideneklarang dead on the spot.

Comments are closed.