MAGIGING sentro ng talakayan ang shooting at running sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Magiging panauhin si Philippine National Shooting Association (PNSA) secretary-general Irene Garcia upang talakayin ang Southeast Asian Shooting Association Championships na gaganapin sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 14.
Sa panig ng running, tatalakayin ni Nicole Dela Cruz ang matagumpay na Women’s Run PH event na idinaos kamakailan sa UP Diliman at ang susunod na leg nito sa Nobyembre 10.
Ang session na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at Arena Plus, ang 24/7 sports app ng bansa.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation, at ineere sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports