SHOOTING TAMPOK SA PSA FORUM

IDARAOS ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang unang session nito para sa 2024 ngayong Martes, tampok ang isa sa sports na naghahangad ng puwesto sa darating na Paris Olympics.

Bibisita ang mga miyembro ng Philippine National Shooting Association (PNSA) sa public sports program sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex simula sa alas-10:30 ng umaga.

Sasamahan si PNSA secretary-general Iryne Garcia ng tatlong shooters na top candidates para sa slots sa Paris Games.

Ang weekly session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ArenaPlus, ang nangungunang sports entertainment gateway sa bansa.

Hinihikayat ni PSA president Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa unang Forum para sa taon kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng SMC-PSA Awards Night noong nakaraang linggo.

Ang weekly session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.