“We are guided by the government rules and regulation and we follow Consumers’ Act,” ayon kay Shoppedia CEO Neil Garcia.
Ani Garcia, sa pagsulong ng panahon ay nababago na rin ang landscape ng e-commerce at kung sa naunang panahon nito ay nakitaan ng problema dahil sa mga produktong naide-deliver, tiniyak nilang may kalidad ang kanilang produkto.
Sa katunayan, una nilang inaalok ang mga produktong rehistrado at mula sa top 3 manufacturers kaya maiiwasan ang reklamo ng mga online buyer at mawawala na ang meme na “expectation vs reality” o iba ang inorder sa nai-deliver.
Kasama sa magandang serbisyo ng e-shopping hub ay ang mabilis na delivery kaya naman nakipag-partner sila sa PhilEx Solutions na mayroong 52 warehouses.
Sa darating na Marso ay ila-launch ang Shoppedia at bilang regalo sa unang 500 merchants ay magkakaroon ng promo.
EUNICE CELARIO