SHOPPEE RERESOLBAHIN ANG HINAING NG KANILANG RIDERS

TINIYAK ng pamunuhan ng Shoppee na kanilang reresolbahin ang hinaing ng kanilang patner riders na Shopee Xpress (SPX).

Batay sa ipinadalang official statement sa PILIPINO Mirror ng kanilang Public Relations na si Miss Marian Albano, sinabi nito na kanilang nauunawaan ang hinaing ng kanilang rider partners ngayong pandemya at sila ay kinikilala sa kanilang kasipagan at pagsuporta sa kompanya.

Kaya naman inimbestigahan na ng Shoppee ang sitwasyon hinggil sa umano’y hindi pagtanggap nila ng suweldo at non-payment sa insentibo.

Nakasaad pa sa pahayag ng Shoppe na ang SPX na delivery partner ng Shoppee ay nagseserbisyo rin sa ibang ahensiya para matulungan ang source riders at nilinaw ng Shoppee na kanilang binabayaran ang mga ahensiya sa tamang oras habang nakadepende sila sa mga ahensiyang iyon para i-invoice ang SPX alinsunod sa tamang panahon para naman mabayaran din ang kanilang riders.

” SPX, one of the integrated delivery partners of Shopee, works with a number of service agencies to help source riders. We pay these agencies on time, and we also rely on these agencies to invoice SPX in a timely manner so that the riders under their management will consequently receive their salaries and other benefits on time,” ayon sa official statement.

Ginawa ng Shoppee ang pahayag kasunod ng ulat na naghahanda ang kanilang partner rider para magreklamo kaugnay sa kanilang suweldo at insentibo.

Comments are closed.