SHOPPING SPREE NG OFW SA HK NABAWASAN

Mongkok

MONGKUK – BAHAGYANG humina ang kalakalan sa Hong Kong makaraang lumiit ang bilang ng mga foreign worker kasama na ang mga overseas Filipino worker  na namimili.

Una nang umasa ang mga negosyante na posib­leng tumaas ang kanilang sales ngayong Disyembre dahil holiday season.

Subalit nananatiling matamlay ang namimili dahil sa patuloy na kilos-protesta roon.

Maging ang mga Pinoy na mahilig sa shopping spree ay nabawasan rin. Paalala naman ng awtoridad na maigting na mino-monitor ang mga lugar kung saan mayroong pagkilos o rally.

Muli ring ipinaalala na sundin na lamang ang mga gabay sakaling nasa labas upang hindi madisgrasya mula sa mga raliyista.

Halimbawa nito ay ang pag-iwas sa pagsusuot ng kulay itim na damit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.