HAMON sa talento sa paglikha ng mga kabataang Navoteño sa magaganap na 3rd Navoteño Film Festival sa Navotas City Government.
Aabot sa 10 minuto ang gagawing short films na likha ng mga mag-aaral at guro mula sa pitong napiling pampublikong paaralan at dalawa mula sa private schools.
Kabilang sa pasok na short film ang Love @ First Vlog na pelikula ng Kaunlaran High School, Mea Patria ng La Naval Academy, 1485 ng Navotas National High School, at Sukbit ng Navotas Science High School.
Nakapila rin ang mga pelikula na Iris mula sa San Jose Academy, Draw Lots ng San Rafael Technological and Vocational High School, Aninag ng San Roque National High School, Pantagrace mula sa likha ng Tangos National High School, at Padyak ng Tanza National High School.
Ang filmfest ay naka-focus sa Navotas tourism na lilikha ng temang nag-uugnay sa Navotas para sa kaalaman ng mga darayo at turista at kung ano ang makikita sa Navotas.
Malaki ang suporta ni Mayor John Rey Tiangco sa lahat ng kalahok na mag-aaral at guro ng mga piling paaralan kabilang na ang mga art scholarship na nag-aaral ng visual arts, music, dancing, theatre arts, and creative writing o journalism. VICK TANES
Comments are closed.