SHORTAGE SA GG PINABULAANAN

ITINANGGI ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na may kakulangan sa supply ng galunggong.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, wala tayong nakitang shortage sa ngayon.

Hindi aniya magandang imahe at hindi magandang message sa mga magsasaka ang pag-import.

Ang kanilang reaksiyon ay bunga ng pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na marami sa mga imported na galunggong ang nasa cold storage facilities pa rin.

“Mayroin tayong tinitingnan na strategies para mapabilis pa itong paglabas ng mga imported na GG (galunggong) galing sa mga cold storages,” ani Dar.

Pirmado na rin ni Dar ang certificate of necessity to import ng 60,000 metric tons ng small pelagic fish ngayong unang quarter ng taon. Ito ang mga isdang galunggong, matangbaka, bonito at moon fish.

Ayon sa DA, ito ay para mapunan ang kakulangan sa supply na aabot sa 119,000 metric tons at ang epekto ng bagyong Odette. SID SAMANIEGO