HAWAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng mga heneral na pagpipilian para maging susunod na PNP chief.
Ito ay sa harap nang pagreretiro na sa serbisyo ni PNP Chief General Archie Gamboa sa Setyembre 2, 2020.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, dalawang linggo na ang nakalilipas nang isumite ni Interiors and Local Government Secretary Eduardo Año sa Pangulo ang listahan ng mga heneral na inirekomenda niya para maging Chief PNP.
Subalit sinabi ni Banac na wala siyang impormasyon kung sino-sinong heneral ang inirekomenda ni Secretary Año sa Pangulo.
Kung seniority aniya ang pag-uusapan awtomatikong kasama sa pagpipilian ang mga miyembro ng command group na sina PNP Deputy Chief For Administration Lt Gen Camilo Cascolan, PNP Deputy for Operations Lt. Gen Guillermo Eleazar at ang Chief ng Directorial Staff na si Lt Gen Cesar Hawthorne Binag.
Pero maari rin aniya na pumili ang Pangulo ng heneral na wala sa command group at may ranggong Brigadier General o one star rank.
Una nang kinumpirma ni BGen Banac na unti-unti nang nagpapaalam si Gamboa sa hanay ng PNP sa harap rin ito ng mga balitang maari siyang ma-extend sa puwesto. REA SARMIENTO
Comments are closed.