BALE going two months na ang bagong resto ng showbiz couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Angrydobo Made with Love na makikita sa tapat ng De La Salle University along Taft Avenue. In fairness sa sarap ng sine-serve nilang Filipino dish ay bentang-benta ito sa mga estudyante ng La Salle at iba pang school na malapit sa area.
Kapag walang showbiz committment ay tumutulong sa pagluluto si Juday, nagse-serve rin ang aktres at naglilinis ng mesa. Si Ryan naman daw ang namamahala sa marketing at finances. Bumisita na rin sa nasabing resto ng mag-asawa ang ilang kasamahan ni Ryan sa Eat Bulaga para tikman ang ka-nilang pinagkakaguluhang recipe.
FAYE TANGONAN FROM BEAUTY QUEEN TO BEST NEW ACTRESS
HAPPY si Ms. Universe International 2018 Faye Tangonan at kahit baguhan pa lang na artista ay napansin na agad ng 1st Southeast Asian Interna-tional Achievement Awards, at ipinagkaloob sa kanya ang Best New Actress Award.
Pero masaya na sad si Faye kasi hindi niya personal na natanggap ang kanyang trophy dahil nasa Honolulu, Hawaii ito para asikasuhin ang kanyang Kauai Realty business na ilang years na niyang pinatatakbo. Pero feeling honored si Ms. Faye sa bago niyang achievement na kakaiba raw sa mga nakuha niyang titles sa mga sinalihang local and international beauty pageants.
“Sobrang thankful ako sa founder ng Southeast Asian Int’l Achievement Awards na si Mr. Rajs Gange for the award(Best Actress) na hindi ko ma-imagine na makakamit ko in the future. Sanay akong umakyat sa stage para makoronahan ng whatever title, pero itong Best Actress award iba siya for me, talagang feeling ko may napatunayan na pala ako kahit na baguhan pa lang ako sa movie industry.
“Mas pagbubutihan ko pa ang craft ko para hindi ako maging problema ng director. And speaking of director I’d like to thank Romm Burlat, at siya ang nag-open sa akin ng door para maging artista. At dahil sa Bakit Nasa Huli Ang Simula na dinirek niya at produce ay naging Best Actress ako,” sunod-sunod pang pahayag ni Ms. Faye. Ilan pa sa malalaking showbiz personalities and politics na tumanggap ng award sa nasabing bagong award-giving body ay ang showbiz couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, outgoing QC Mayor Herbert Bautista, Cong. Alfred Vargas. Wagi ring Best Actor ang isa sa leading men ni Faye sa Bakit Nasa Huli Ang Simula na si Jay-R Ramos para sa movie Beki’t Ako.
EAT BULAGA TULOY SA PAMIMIGAY NG 100K
AT IBA PANG PRIZES SA SUGOD BAHAY SA BARANGAY
KAHIT may nadagdag silang segments sa Eat Bulaga tulad ng kinaaaliwang panoorin ngayon na Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs, prayori-dad pa rin ng number one and longest-running noontime variety show ang kanilang Sugod Bahay sa Barangay para sa kanilang public service segment na “Juan For All, All For Juan!”
Napakasuwerte ng mga nananalong residente sa iba’t ibang barangay sa Sugod Bahay at instant puwede silang manalo ng kabuuang cash na P100K pataas at iba’t ibang prizes mula sa mga sponsor sa nasabing segment. May kanya-kanyang kuwento nang kahirapan sa buhay ang mga napipiling win-ner at ang Eat Bulaga ang naging hulog ng langit sa kanila ng Diyos. At sa mga taga-Pasig, abangan ang nalalapit na pag-upo ng inyong bagong halal na Mayor na si Vico Sotto at tiyak na sasaya uli kayo sa pagbisita ng JOWAPAO (Jose, Wally, Paolo) sa inyong barangay para sa Sugod Bahay!
Comments are closed.