UNA silang nagkatambal sa isang Kapamilya teleserye na umere nang sampung buwan mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil kinagat ang kanilang tandem, it was followed by another project sometime in the year 2013. Isang big budgeted film ito na kinunan in its entirety sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Sinundan pa ito ng isa pang TV series mula sa kanilang mother network. Year 2015 nang muli silang magkasama sa isa pang episode ng patok na serye sa kanilang network.
After that, they went on separate ways.
But according to some showbiz people, they maintained a very close relationship through the years.
Taong 2016 nang i-announce ng isang talent management company na sila na ang mamamahala sa career ng aktres.
Marami ang nagsabi noon na sariling desisyon daw ng kanyang boyfriend na iwanan ang kanyang dating management firm para magawa na nila ang gusto nilang gawin.
December 2017 nang mapabalitang nagkaroon na ng parting of ways ang dalawa, but there was no denial or admission from the two camps.
Anyway, sa grand presscon nang isang serye ng aktres sometime last year (2018), tinanong ng press kung bakit hindi mamama-tay-matay ang intrigang may relasyon supposedly ang dalawa.
Ang sagot ng aktres, malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa. Hindi raw sila ‘yung after work, wala nang communication.
Nang tanungin kung boyfriend niya na ang mahusay na aktor, hindi direktang sinagot ng aktres ang katanungan.
Basta maalaga raw ito, mabait, mapagmahal.
Magkalapit din lang ang kanilang tirahan kaya lalong umugong ang mga bali-balita na sila nang talaga.
Anyway, ipinagtaka sa show business ang biglaang pagkawala sa sirkulasyon ng aktres pagkatapos umere ang kanyang soap opera sometime in October 2018.
Nagpunta raw siya sa ibang bansa. Doon sa lupain ng kanyang biological dad.
In most of her photos, it would be noticed that she was always dressed in frilly clothing. ‘Yung tipong maluwag kaya lalong umugong ang mga bali-balitang she was really in that interesting stage.
Last April 1, 2019, it was rumored that she gave birth to their first baby.Lalong lumala ang mga haka-haka ng mga netizen nang lumabas ang isang blind item na nagsilang na raw ang aktres ng first baby nila ng mabait na aktor.
Sinabi ring habang nagli-labor ang aktres ay nakatakip daw ang kanyang mukha para hindi siya makilala.
Anyway, may bagong development sa lovelife ng tahimik na aktor. Bagama’t kadi-deliver lang daw ng kanyang ‘misis’ ng kanil-ang first baby, may namumuong relasyon na raw ito sa aktres na kasama niya sa teleserye.
Ganoon kabilis magpalit ng dyowa?
Well, money is the root of all evils.
Masyadong marami na kasi ang pera ng dating soft spoken actor kaya nakukuha na niya ang bawat babaeng kanyang gustuhin.
How sad!
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung kasama ko si Alden Richards sa profile pic.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!