SHOWBIZ PERSONALITIES UMAPELA KAY DUTERTE: PONDO NG FORENSIC DIVISION PANATILIHIN

pondo

NAKAKUHA ng kakampi mula sa industriya ng showbiz ang Public Attorney’s Office (PAO) para sa panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang one-line sentence insertion sa 2021 General Appropriations Act kung saan nagtatanggal ng pondo sa PAO Forensic Laboratory Division.

Sa ipinalabas na statement mula sa NDM Studios, iginiit nito at isinaad na ang naturang insertion ay “unconstitutional rider that is contrary to law, illegal, a violation of the Civil Service Commission rules for permanent employees, and contrary to law.”

Ang grupo ay nagdaos ng free online concert ala-1 hanggang alas-4 ng kahapon kasama ang ilang multi-awarded singers gaya nina Dulce, Richard Reynoso, Chad Borja, Anthony Castelo, Malu Barry, Njel de Mesa kasama ang komedyanteng sina Dennis Padilla, Moymoy Macasero, Dinky Doo at Garry Lim.

Bukod pa rito, kasama ng grupo ang television host na si Daiana Menezes; recording artists Avon Rosales, Gerald Santos, Alynna Velasquez at Myrus Apacible; singing lawyer Larry Gadon, at Dr. Sam Zacate.

Magugunitang kamakailan lamang nang magsingit ang ilang opposition senators sa probisyon ng P4.5-trillion budget para sa 2021 kung saan isinasaad sa insertion ang pangungusap na: “Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division.”

Nanindigan ang showbiz personalities na isang unconstitutional rider ang naturang insertion na taliwas sa batas bukod pa sa ito aniya ay  ilegal at may paglabag pa sa Civil Service Commission rules para sa mga permanent government employee.

“We the concerned and united artists stand with the #PublicAttorneysOffice which protects the poor Filipinos of our beloved country — and appeal to our President to eventually veto this move by the opposition,” saad sa kanilang statement. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.