Si Mark Zuckerberg na siguro ngayon ang idol ng lahat ng misis sa mundo. Mantakin mong ipagpagawa niya ng 7-foot turquoise and silver statue ang kanyang misis na si Priscilla Chan kahit wala namang okasyon!
“Bringing back the Roman tradition of making sculptures of your wife,” biro ni Zuckerberg sa caption ng kanyang Instagram post.
Twelve years na silang mag-asawa at May ang kanilang wedding anniversary. February naman ang birthday ni Priscilla. Walang okasyon — basta lang!
Come to think of it! Ang gumawa ng statue si New York City-based contemporary artist Daniel Arsham, at nagkakahalaga ito ng hindi bababa sa $20,000. Sa total net worth ni Zuckerberg na $185 billion, parang barya lang ang presyo ng statue. Pero marami pa ring bad comments. Binigay raw ba ito dahil sweet si Zuckerberg o baka may ginawa itong malasado na gustong pagtakpan.
May Isa pa ngang clinical psychologist sa Massachusetts na couples therapy specialist daw na nagsabing posibleng may kasalanan nga si Zuckerberg sa asawang gusto lamang pagtakpan.
Hey, hindi ba pwedeng eccentric lang si Zuckerberg at may pera sya, kaya nagagawa niya ang kanyang gusto?
Isipin nyo — sa atin, oo, malaking pera ang $20,000. Pero barya nga yon Kay Zuckerberg.
Bilang Pinoy, di ba minsan, may urges tayong bumili ng ilang bagay para sa taong mahal natin (asawa, anak, magulang, kapatid, kaibigan) ng mga bagay-bagay kahit walang okasyon? Syempre, within budget.
E, si Zuckerberg, hindi niya kailangang magbadyet. Kahit 10th generation ng pamilya niya, hindi maghihirap.
Kinukwestyon nung psychologist kung ano raw ang purpose ng regalo.
Dapat ba, laging may purpose? Hindi ba pwedeng gusto lang at afford nga niya?
Tayong hindi mayaman at halos mabali ang likod para lamang kumita ng sapat, kapag nakapagbigay tayo ng mahal na regalo, ibig sabihin, umaangat na tayo sa buhay. Fine. Ikumpara ba ang sarili Kay Zuckerberg? Why not? Yung regalo ni Zuckerberg, mahal. Yung sa’yo, mura — pero parehong regalo lang yan. A showcase of affection. Bakit kailangang bigyan ng negative implications?
Sabi nung American psychologist, attempt daw ang extravagant gifts para ma-manipulate ang receiver.
Honestly, hindi ko ma-gets o baka ayokong ma-gets — me being a hopeless romantic. I still believe in love at naniniwala rin ako sa forever.
Yung American psychologist, yes, professional siya, at may point din siya — but this is the $185 billion worth Zuckerberg we are talking about. Hindi siya ordinaryong tao. Matalino siya. He wasn’t born a billionaire, he made his own money! Bihira ang makakaintindi sa takbo ng iyak niya — at sa totoo lang, ayokong intindihin. Si Priscilla nga mismo, ininuman lang ng kape ang statue. That means, it isn’t that much to the couple.
Remember Taj Mahal? Parang ganoon lang. A showcase of love dahil can afford sila. Kainggit, di ba? Pero hanggang inggit na lang tayo dahil can’t afford nga.
Kinukwestyon din nung psychologist na nag-post si Zuckerberg sa Instagram kung saan mayroon siyang 14.5 million followers. Kasalanan ba niyang mayroon siyang ganoon karaming followers? Kahit 10 lang ang followers mo, nagpo-post ka pa rin,bdi ba? At ang reason mo — Wala lang, sharing lang. Palagay ko, naiinggit lang yung American psychologist dahil walang nagreregalo sa kanya.
Tingin ko lang ha — kahit ayoko sanang tingnan — hindi naman kailangang magpa-good shot ni Zuckerberg sa followers niya, o humingi ng affectionate response sa asawa niya. Iniisip niya kasing hindi masaya ang mag-asawa. Oh, my!
RLVN