SHOWTIME! (Magnolia-Alaska titular showdown simula na)

magnolia-hotshot

Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. – Magnolia vs Alaska
MATAPOS ang dalawang linggong pahinga, umpisa na ang mainit na bakbakan ng Alaska at Magnolia sa best-of-7 title showdown sa PBA Governors’ Cup ngayong araw sa Mall of Asia Arena.
Kapwa uhaw sa titulo ang dalawang koponan na gagabayan nina coaches Alex Compton at Chito Vic-tolero.
Ang kanilang tagumpay ay nakasalalay sa ipakikita ng kanilang mga import na sina Mike Harris at Romeo Travis, na ngayon lang maghaharap sa finals sa kanilang basketball career.
Nakatakda ang duelo ng Aces at Hotshots sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang dadagsain ito ng mga supporter ng dalawang koponan.
Sinibak ng Alaska ang Meralco Bolts at sinipa ng Magnolia ang sister team Barangay Ginebra upang maisaayos ang finals showdown sa unang pagkakataon.
Walang pinapanigan ang mga eksperto sa dalawang koponan dahil pantay ang lakas at lalim ng bench ng mga ito.
Sa ginawang faceoff matapos ang semis, kapwa nagpahayag ng kahandaan sina Compton at Victolero sa kanilang ‘giyera’.
“We’re ready for the finals. We spent the two weeks respite sharpening to perfection our shooting and formulated effective formulas to strengthen our game offensively and defensively,” sabi ni Compton.
“I told my players to play superior game and use all leverage to our advantage throughout the title se-ries,” pahayag pa ni Compton na determinadong kunin ang korona at mapasama sa ‘elite class of champions’ na matagal na niyang pinangarap matapos kunin ang coaching job kay Tim Cone na binigyan ang Alaska ng 11 titulo magmula pa noong 1991, kasama ang grandslam noong 1996.
Tulad ni Compton, optimistiko rin si coach Victolero sa tagumpay ng kanyang tropa.
“My players are in top shape and ready to face Alaska. I reminded my players to shoot with impunity and tighten the defense to prevent the enemy from intruding the shaded lane,” ani Victolero. CLYDE MARIANO

Comments are closed.