SHS VOUCHER PROGRAM PUWEDE NA I-AVAIL

DEPED-2

SINIMULAN na kahapon ang pagsusumite ng aplikasyon para sa mga mag a-avail ng Se­nior High School Voucher Program (SHSVP) ng Department of Education (DepEd).

Kabilang sa mga requirement para sa application sa Senior High Voucher, ang 2×2 colored ID photo ng estudyante, financial status ng magulang o guardian, nilagdaang parent consent form para sa mga applicant na nasa  18 taong gulang pababa at certificate of financial assistance mula sa junior high school kung kinakailangan.

Ang deadline ng application ay itinakda sa Hulyo 24 subalit, maaa­ring isumite ang mga dokumento hanggang Oktubre 30 ng taong kasalukuyan.

Ipinaalala rin ng DepEd na ang mga sumusunod na Grade 10 completers ng school year 2019-2020 ay awtomatikong kuwalipikado para sa voucher program at hindi na kailangang mag-apply sa DepEd mula sa public schools, state universities and colleges at ESC grantee mula sa private schools. DWIZ 882

Comments are closed.