DAPAT magkaloob ng shuttle service ang mga prlvate employer sa kanilang mga empleyado kung hindi ay ‘di nila mapipilit ang mga ito na pumasok sa trabaho, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Bagama’t pinayagan na ang ilang negosyo na magbalik sa operasyon, nananatiling suspendido ang transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), kabilang ang Metro Manila.
Samantala, limitado naman ang transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Dahil karamihan sa mga empleyado ay gumagamit ng public transportation, sinabi ni Bello na, “Alam naman ng mga employer na kung gusto nila na pumasok ka at alam naman nila na wala kang sasakyan at hindi ka makarating sa iyong workplace, so kung gusto nilang pumasok ka, kailangang mag-provide sila ng shuttle.”
“Kung hindi nila ma-provide ‘yun, hindi ka mapipilit na pumasok sa trabaho,” sabi ni Bello sa Laging Handa public briefing.
Bukod sa Metro Manila, nasa ilalim din ng MECQ magmula Mayo 16 hanggang Mayo 31 ang bayan ng Pateros, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Laguna.
Comments are closed.