SI ANDREA NA KAYA ANG PATITIRAHIN NI DEREK SA KANYANG MANSYON?

ANDREA TORRES

HINDI lang naman paghuhubad ang alam gawin ng hunk actor na si Derek Ramsay.GERALD ANDERSON-2 Marunong rin siyang umiyak at humagulgol sa kanyang teleser­yeng The Better Woman na nagtapos na noong September 27.  Maraming dramatic scenes si Derek sa nasabing teleserye. Napakaganda ng istorya nito. Kahit nagtapos na ito, gusto kong balikan o irebyu ang  mahalagang eksena ng ilang characters gaya nina Jaclyn Jose, Ina Feleo, Paolo Paraiso, at ang dalawang bida na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na gumanap na may kakambal, sina Juliet na isang pokpok at si Jasmin na may-ari ng resorts sa La Union na naging asawa si Andrew(Derek).

Nawalay si Juliet sa kanyang ina(Jaclyn Jose) nang ipanganak ito sa isang ospital. Tumakas sa ospital ang kanilang ina nang wala itong i­pambayad. Sa pagtakas ng kanilang ina, sa pagmamadali nito, naiwan sa lababo ang isang kambal (Juliet) at natangay lang niya ay si Jasmin. Nang magkita sina Juliet at nanay niya, sa club na ito nagtatrabaho. Para makaganti ng kabutihan sa kanyang anak, kinuha niya si Juliet at hindi na pinag-trabaho sa club. I­nuwi ito sa La Union kung saan nakatira ang mag-asawang Jasmin at Andrew na mayayaman na.

Naging problema nila si Juliet noong iuwi sa La Union. Nasilaw ito sa magaganda at mga branded na gamit  ng kanyang kakambal. Naging magnanakaw pa at ang pinakamasakit sa lahat na ginawa ni Juliet, nataypan nito si Andrew.

Dahil nga magkamukhang-magkamukha sila ng kanyang kakambal, ginaya ni Juliet ang ayos at pananamit ni Jasmin para akitin si Andrew. Ito namang si Andrew, akala niya si Juliet ang asawang kasiping niya sa kama. Hanggang magtalik sila at mabuntis si Juliet.

Katwiran ni Juliet, na kay Jasmin na ang lahat, kayamanan, pera, mga ari-arian kaya kukunin naman niya ang lahat na gusto niyang kunin! Inangkin nga niya si Andrew at nagreyna-reynahan sa magandang bahay nila at sa resort.  Katuwiran niya, pinabayaan siya ng kanyang ina, naghirap hanggang maging pokpok, kaya gagantihan naman niya ang kanyang kakambal at kukunin niya ang lahat na gusto niya.

Malaking gulo sa pamilya nila ang ginawa ni Juliet, lalo sa parte ng mag-asawang Andrew at Jasmin. Dito na nagsimula ang drama ng buhay nila. Dito ko nakitang umiyak at humagulgol si Derek, lalo na ‘yung eksenang pinakidnap ni Juliet ang kakambal niyang si Jasmin, at pinatay ni Juliet ang kapatid ni Andrew na si Angela(Ina Feleo) Marami pang nakakainis na eksena ang ginawa ni  Juliet sa The Better Woman na ang ending ay namatay ito dahil binaril ng mayamang matanda na nagkagusto sa kanya noong nagtatrabaho pa siya sa club.

Gusto naming purihin at palakpakan si Derek sa husay ng pagkaganap niya sa nasabing te­leserye. Maging si Andrea Torres na noong simula ng serye ay ang bano pang umarte. Pero nang tumagal, na­ging aktres na rin. Wala namang kuwestiyon kay Jaclyn Jose dahil alam ng publiko ang galing niya sa pag-arte at laging Best Actress sa award-giving bodies.

Ngayong natapos na ang teleserye, tuloy pa rin ang magandang relasyon nina Derek at Andrea na umamin na sa kanilang relasyon.

Si Andrea na kaya ang huling babae sa buhay niya? Si Andrea na kaya ang babaeng patitirahin nito sa kanyang mansyon na matatapos sa December? Ano sa palagay mo, my dear ed? (Bahala na si Batman—ED)

One thought on “SI ANDREA NA KAYA ANG PATITIRAHIN NI DEREK SA KANYANG MANSYON?”

Comments are closed.