Libre naman mangarap… ‘yan ang pakiramdam ko habang nanonood kailan lang ng pelikulang Aqua-man. Para siyang pating sa bilis ng pagsisid ay dama ko rin ang hampas ng malamig na tubig sa aking mukha.
Nagulat na lang ako dahil napisil ko na pala ng mahigpit dahil sa excitement ang baong inumin, at ang straw sa kartong baso ay nag-spray ng iced tea sa akin. Hahaha!
Ito ang isa sa paborito kong paraan kasi bilang de-stressor, ang manood ng sine, upang kahit sandali ay malimutan ang mabibigat na kasong inilalapit sa ating clinic. Ito rin ang pagkakataon na magka-bonding kami ng aking anak na dalaga bago pa siya humiwalay at gumawa ng sariling pamilya. What struck me though sa pelikula, ay ang hilig ni Aquaman na makipag-inuman. Ok’s nga ba ito lalo na ngayong magpa-Pasko?
EPEKTO NG SOBRANG ALAK
May mga taong kung makipag-inuman ay parang wala ng bukas. Hindi na bago sa pandinig natin ang pagkakaroon ng masasamang epekto ng sobrang pag-inom ng alak. Libo-libo na ang namatay dahil sa kalanguan at mga karamdaman na dulot ng sobrang alak sa katawan.
Marami rin ang napababalitang namatay dahil sa mga aksidente na may koneksiyon pa rin sa alak.
Narito ang ilan sa mga karamdaman na maaaring makuha mula sa sobrang pag-inom ng alak.
• Anemia – ito ay pamumutla dahil sa kakulangan ng ginagawang dugo mula sa nasisirang atay.
• Cancer – ang alak ay nagtataglay ng kemikal na acetaldehyde na isang carcinogen.
• Cardiovascular disease – kabilang dito ang stroke at atake sa puso dahil sa paglapot ng dugo.
• Cirrhosis – pagtigas na parang bato ng atay.
• Dementia – o pagkalimot dahil sa mga nasisirang brain cells.
• Nerve damage – panginginig dahil sa alcoholic neuropathy.
• Erectile dysfunction – kawalan ng gana o libido.
• Gout – pag-deposito ng uric acid crystals sa joints.
•Pancreatitis – o pagkasira ng lapay na maaaring dumanas ng madalas na pananakit ng tiyan, paninilaw at pagtatae.
BALITANG LAMBANOG
Umugong sa mga pondahan at umpukan nang nag-iinuman ang mga napabalitang namatay dahil sa lambanog. Tinamaan partikular ang local liquor industry sa Quezon Province nang mamatay ang 21 katao matapos uminom ng lambanog. Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), “The samples from a Quezon Province-based distillery contain high amounts of methanol, a prohibited additive in the production of the coconut wine. Based on the laboratory tests done, the samples contained 11.7 to 21.8 % of methanol, whereas only 0.1 % of natural methanol in liquor is considered safe for con-sumption.”
Ayon sa medical investigation, “the victims started having shortness of breath, stomach ache and blur-ring of vision immediately after consuming the said alcohol. They were rushed to the hospital but they died.”
ANG DELIKADONG METHANOL
Para hindi matakot ang mga manginginom, isang vendor sa Bulacan ang uminom ng lambanog na inila-lako kasama ng dalawa pang lalaki. Muli ang mga uminom ay dagliang namatay.
The FDA warned the public against buying lambanog from illegal peddlers. Local brewers said adding methanol to the lambanog is a practice done by illegitimate breweries to produce the same aroma as distilled coconut liquor. The bogus manufacturers add a small portion of highly concentrated methanol, called ‘bating’ to produce the distinct lambanog aroma.
Mula sa aking chemistry book noong ako’y medical student pa, nakasaad na, “methanol, also known as wood alcohol, is a commonly used organic solvent that, because of its toxicity, can cause metabolic aci-dosis, neurologic problems, and even death, when ingested. It is a constituent of many commercially available industrial solvents and of poorly adulterated alcoholic beverages. Ingestion of high levels of methanol can lead to multiple organ failure, blindness, and even death.”
PINABULAANAN ITO
Samantala pinabulaanan ito ng isang mataas na opisyal ng gobyerno sa isang interview. He said, “Pai-numin mo rin ng alcohol iyong ethanol, para maibsan ang conversion ng methanol into formic acid o pamumuo ng lason. Ang process of distillation sa paglikha ng alocohol, iyong unang patak na nalikha ay methanol, iyon ang dapat mong ihinihiwalay, itinatapon bago pa ito maging formic acid.” Drinking an-other alcohol is the antidote for lambanog poisoning? He explained it is not the methanol in lambanog that causes the poisoning and death among its drinkers but its by-product called formic acid.
Ibig mo sabihin Doc, sundutin namin ng imported na alak ‘yung local na alak? Eh ayan na nga, nakasulat sa libro na delikado ang methanol, kahit kaunti lamang. Lasheng ka baah?
Kinontra naman ng isang opisyal ng FDA ang estilo ng pagsisindi ng lighter sa ulo ng binuksang bote ng lambanog sa mga manginginom. This is called ‘flame test’ to determine the methanol content in lam-banog. Hindi po iyon ang tama o scientific na pamamaraan, dahil maaari pang ma-injure ang gagawa niyan kung sumabog.
Ang tamang paraan pa rin ay i-subject ito sa correct process of laboratory testing. Or better yet, umi-was na lang sa pakikipag-inuman lalo na ngayong Kapaskuhan. At huwag nakikinig sa mga sabi-sabi. Maging ligtas at nawa’y maligaya po ang inyong Pasko, kasama ng pamilya at ni Hesukristo!
*Quotes
“Alcohol is the anesthesia by which we endure the operation of life.”
– George Bernard Shaw, writer
“My father was a lighthouse keeper. My mother was a queen. But life has a way of bringing people together. They made me what I am.”
– From Aquaman, The Movie
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear read-ers!
Comments are closed.