KILALA si Judas Iscariot sa buong kasaysayan ng Bibliya bilang quintessential betrayer o modelo ng pagiging traydor. Pero ang totoo, siya ang best friend ni Jesus, at nakipagkasundo siya sa mga otoridad dahil sinabi ni Jesus na gawin niya ito batay sa kautusan ng Ama.
So, ipinako sa krus si Jesus. Ayon sa recently translated 1,200 year-old text na nakasulat sa Coptic — isang Egyptian language na gumagamit ng Greek alphabet — hinalikan si Judas si Jesus dahil may kakayahan itong magpalit ng anyo. Ang halik ni Judas ang magpapatunay kung sino si Jesus.
What happens to Judas after betraying Jesus?
Ayon sa isa pang canonical source sa Bibliya, the Book of Acts (Gospel of Luke), hindi raw nagpakamatay si Judas matapos ipagkanulo si Jesus. Sa halip, he went into a field, where “falling headlong, he burst asunder in the midst, and all his bowels gushed out.” In other words, nagpakamatay pa rin, hindi nga lamang nagbigti.
Kung tutuusin, hindi naman nagalit si Jesus na ipinagkanulo siya ni Judas. Ang sabi pa nga niya ayon kay Matthew 26:50: “Friend, do what you are here to do”. Nang mamatay si Jesus matapos mapako sa krus dahil sa ‘halik ni Judas”, at nang muli siyang nabuhay makalipas ang tatlong araw, naligtas na ang sangkatauhan at natupad ang pangako ng Diyos Ama. Ito ang katuparan ng pagkaligtas ng kaluluwa, at assurance na makakarating tayo sa langit sa tamang panahon.
Ngunit, paano na si Judas na naatasan lamang sumunod sa itinakdang pangyayari? Makaaakyat ba siya sa langit? Ayon sa Matthew 26:24, it would certainly appear that Judas is not in heaven.
Parang unfair, di ba? Kung si St. Peter nga na tatlong beses nagtatwa kay Jesus, pinatawad at ginawa pang tagabukas ng pinto ng langit, bakit si Judas, hindi pinatawad?
Hindi unfair ang Diyos. No, Judas was not forgiven for his betrayal of Jesus – at ang isa sa mga dahilan ay dahil hindi naman siya nagsisi sa kanyang kasalanan. Sa halip magsisi, nagpakamatay siya. Sa pagpapakamatay pa lamang, diretso na siya kay Taning. – SHANIA KATRINA MARTIN