SI MAYOR ISKO AT SI PACMAN!

edwin eusebio

Huwag nawang mapurnada…

Ang Kay Mayor Isko Moreno na Arangkada.

Tama mga Diskarte niya…

Ibalik ang Glorious day ng Maynila!

 

Nadanas kasi ni Isko ang mamulubi nang totoo…

Kumain ng ‘Pagpag’ na tira-tirahan ng Kung sino…

Pero dahil determinado, Buhay niya ay binago…

Nagtrabaho habang nag-aaral na determinado.

 

Pinuhunan niya ay Tiyaga at sa sarili ay paniniwala…

Sa Diyos Aniya ang awa at sa kanya ang gawa…

Kaya mga diskarte niya  ngayon ay nasa Tama!

Lahat ay humanga at sa kanya ay namangha.

 

Kahalintulad ni Isko ay si Senador Manny Pacquiao…

Sa kahirapan namulat…nagutom,

Kaya nagtrabaho agad.

Gayunman, sila ay Lumaban sa pagsubok na sagad…

Nagtiwala sa salita ng Diyos na “Ako ang Bahala”

 

Kaya nga wala nang dahilan para Sarili ay kaawaan…

Sa mga nagaganap ang Diyos ang may alam.

Ibigay sa kanya pagtitiwala lamang..

Iwaksi sa isip ang pag-aalinlangan..

Matatapos ang paghihirap… MAGHINTAY KA LAMANG!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na na­ririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.