ANG Champorado o tsampurado (from Spanish champurrado) ay matamis na tsokolate sa nilugaw na kanin at paboritong almusal sa Pilipinas.
Surprise! Surprise! Ayon sa 1950s Department of Education textbook, ang bayaning si Dr. Jose Rizal ang nakaimbento nito. Ayon sa kwento, noong bata pa ang ating national hero, aksidenteng naibuhos niya ang isang baong mainit na tsokolate sa kanyang kanin, at iyon na ang unang champorado.
Kung tutuusin, ang champorado ay lugaw din. Yung ibang variants ng lugaw ay maalat at malasa, ngunit ang champorado ay matamis na version ng lugaw at tingin namin ay pinakapopular version ng rice porridge. Malagkit na bigas itong niluto sa cocoa powder o tsokolate at asukal. Mas masarap kung may gatas. Sa ibang version, niluluto ito sa gata ng niyog para hindi na lalagyan ng gatas.
Hindi lang almusal ang champorado. Pwede rin itong meryenda sa hapon bilang energy boost. Kadalasan, kinakain ang Champorado kaulam ng pritong tuyo.
Ang pangalang champorado ay mula sa inuming Mexicano na Champurrado.
Anila, sa panahon ng galleon trade sa pagitan ng Pilipinas at (Spanish regime) Mexico, nagtagal ang ilang Mexicans sa Pilipinas at sila ang nagdala dito ng inuming champurrado.– LEANNE SPHERE