NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga tourist destination sa bansa na bubuksan para sa publiko.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), magsisimula nang tumanggap ng mga turista bukas, Nobyembre 23, ang surfing capital ng Filipinas, o ang Isla ng Siargao.
Sinabi ni General Luna Mayor Cecilia Ruson na ibabalik na rin ang flights patungong Siargao sa Disyembre 1, at bubuksan na rin ang Siargao airports sa nasabing araw.
Inilatag naman ng lokal na pamahalaan ng Siargao ang ilang safety protocols para sa mga turistang magnanais na bumisita sa kanilang lugar.
Kabilang dito ang pagprisinta ng negatibong COVID-19 test results, e-health pass, valid ID, 5-day confirmed booking para sa kanilang tutuluyan, at round-trip ticket details.
“We have to control the volume of tourists coming in and that we need to assess and adjust with the situation momentarily, rest assured, we will be reconsidering the same in due time,” ayon kay Ruson.
Binigyang-diin din ng DOT na ang kanilang ipakikitang COVID-19 tests results ay kinuha dalawang araw bago ang kanilang biyahe sa probinsya.
Comments are closed.