SIARGAO PASOK SA ‘WORLD’S 20 BEST BACKPACKING DESTINATIONS’

SIARGAO-2

KINILALA ang Siargao Island bilang isa sa ‘World’s 20 Best Backpacking Destinations for 2020’.

Ayon sa online booking platform na Hostelworld, nasa ika-9 na puwesto ang naturang isla.

Anila, nakabase ito sa resulta ng bookings sa kanila sa nakalipas na 12 buwan.

Inilarawan ng natu­rang booking platform ang Siargao bilang ‘Surfer’s Paradise’ at ‘Wave Riding Capital of the Philippines’.

Kasama ng Siargao sa listahan ang Nusa Penida ng Indonesia, Surat Thani ng Thailand at Gijon ng Spain.    DWIZ 882

Comments are closed.