SIBILYANG NADAMAY SA C-130 CRASH TUTULUNGAN NG PAF

SINISIGURO at patuloy na tinitiyak ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) ang pagtulong at pagpapaabot ng suporta sa mga sibilyan na naapektuhan sa nangyaring aksidente ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu kamakailan na ikinamatay ng tatlong sibilyan at ikinasugat ng apat na iba pa.

Ito’y matapos bisitahin ng ilang opisyal ng PAF ang mga sibilyan na na-apektuhan sa pag-crash ng C-130 bilang parte ng pagnanais ni Air Force Chief, Lt. Gen. Allen Paredes na maisayos ang kalagayan ng mga sibilyan.

Matatandaan na tatlong sibilyan ang nasawi sa insidente kung saan siniguro ng PAF na mabibigyan ng kaukulang tulong at suporta ang mga ito at ang kanilang pamilya.

Ayon naman kay Tactical Operations Wing Western Mindanao Commander, Colonel Dennis Estrella, may dalawang pamilya na nawalan ng tirahan at lubos na susuportahan ng PAF upang mabigyan ng cash assistance para makapagsimula muli.

Bukod dito, personal din na binisita at kinamusta ng PAF ang ilang sibilyan at sundalo na naapektuhan sa aksidente na kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.

Kaugnay nito nakahanda ang PAF para pagkalooban ng pormal na ‘Search and Rescue Training’ ang mga sibilyan na tumulong sa C-130 incident.

Bibigyan ng PAF ng pagsasanay sa ‘Search and Rescue’ ang mga sibilyan na agarang rumesponde sa nangyaring C-130 crash.

Ayon kay Tactical Operations Wing Western Mindanao Commander, Colonel Dennis Estrella, ito ay naglalayon na mabigyan ng pormal na kaalaman ang mga sibilyan na unang rumesponde sa mga sundalong naipit sa C-130 incident. VERLIN RUIZ

9 thoughts on “SIBILYANG NADAMAY SA C-130 CRASH TUTULUNGAN NG PAF”

  1. 559870 80191I havent checked in here for some time as I thought it was getting boring, but the last couple of posts are wonderful quality so I guess Ill add you back to my everyday bloglist. You deserve it my friend 18794

  2. 312404 280861Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to find somebody with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web site is something that is needed on the web, someone with slightly originality. beneficial job for bringing something new to the internet! 944834

  3. 73269 682904Largest lover messages were produced to share it with your and gives honour of the bride and groom. Quite sound systems facing unnecessary throngs of individuals should take into account each of our valuable concept of all presenting, which is ones trailer. very best man toasts 74854

Comments are closed.