SIBUYAN ISLAND VS MINING WAGI

WAGI  ang mga residente ng Sibuyan Island na ipatigil ang mining operations ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC).

Ayon kay Jaybee Garganera, Alyansa Tigil Mina *(ATM) National Coordinator, naresolba ang problema sa Sibuyan dahil matindi ang pagnanais ng mga tao ditong mapangalagaan ang kanilang isla. Hindi umano sila sumuko kahit tapalan sila ng pera o takutin o ano pa man. Iisa umano ang nais ng lahat ng naninirahan sa isla – ang makapamuhay ng payapa at walang sinumang nakikialam.

Naniniwala umano ang mga residente ng islang dapat nilang protektahan ang kanilang tahanan kahit pa maging sanhi ito ng kanilang kamatayan. Iniisip nila ang kanilang mga anak at apong siyang susunod na henerasyon ng kanilang lahi. Kung masisira umano ang kapaligiran ng Sibuyan, ano pa ang maipamamana nila sa kabataan?

“Nagkakaisa ang lahat ng mga residente ng Sibuyan Island na pangalagaan ang kalikasan, at hindi naman natin sila masisisi dahil ito lamang ang kanilang tahanan,” dagdag pa ni Garganera. “Nasa pagkakaisa talaga ang lakas. Illegal and destructive ang mining operations sa kanilang lugar, kaya dapat lamang na ipahinto ito.”

Ayon kay Rodne Galicha, Executive-Director of Living Laudato Si at kasama sa organizers ng protesta, laging nagkakaisa ang mga kampo, komunidad, pamilya at pati na ang mga indigenous people kaya matagumpay nilang nakamit ang kanilang mithiin na barikadahan at pigilan ang pagmimina sa kanilang lugar na nakasisira sa kalikasan.

Sa kagandahang taglay ng Sibuyan Island na dinarayo ngayon ng mga turista dahil pinalawig nila ang ecotourism, traditional agriculture, sustainable livelihoods at conservation efforts, naniniwala si Galicha na walang karapatan ang sinumang sirain ito.

Isang araw, magkakaroon ng economic growth at community empowerment sa nasabing isla. Kaya ito ng mga taga-Sibuyan dahil nagkakaisa sila. Hindi nila ikukumpromiso ang kalikasan at cultural heritage para lamang sa kakaunting salaping iniaalok sa kanila, dahil para sa mga taga-Sibuyan, walang katumbas na halaga ang kinabukasan ng tahanan ng kanilang mga anak.

Ang kanilang pagkilos at patunay na may mararating ang kanilang komunidad, kahit paunti-unti.

Anyway, hindi sila nagmamadali. Mas mahalaga sa kanila ang nagkakaisang komunidad na pundasyon ng values preservation, pangangalaga sa kalikasan at sustainable development.

Bihirang makita ang pagkakaisang ito sa ibang komunidad. Dapat silang maging halimbawa ng lahat ng komunida sa bansa, na kahit hinahamon ng pagkakataon ay nananatili sa kanilang dignida at paniniwala. Sabi nga sa kanya, “United we stand, divided we fall.” Ipinaglalaban nila ang inaakala nilang tama para sa nakararami. Natural lamang na may iilang hindi sang-atyon sa kanilang layunin, ngunit iginagalang ng komunidad ang tinig ng nakararami.

Ang pakikipaglaban ng Sibuyan Island sa pagpapatigil ng pagmimina ay isang oportunidad upang itaas ang raise global awareness sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasanat ang pangangailangan ng sustainable practices upang harapin ang papalagong industrial development.

Sabi nga sa kanta ng Asin, ”Hindi masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating narating.

Ngunit masdan mo ang ilog at dagat, dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim.”

Hindi naman siguro nanaisin ng sinumang dumihan ang napakalinis na karagatang pumapaibot sa isla ng Sibuyan. Sayang naman. Kilala ang isla sa mayaman nitong biodiversity, kung saan mahigit 80% ng isla ay nababalutan ng virgin forest. Tahanan ito ng napakaraming endemic species, kaya napakahalagang pangalagaan ang marupok nitong ecosystems.

Kung hidi napigilan ang mining operation sa nasabing lugar, masisira ang kakaiba nitong landscape. Mawawasak rin ang kagubatan, magkakaroon ng erosion, at polusyon sa lupa at tubig.

At syempre, nasisira ang kalikasan at mawawalan ng kabuhayan ang mga taga-Sibuyan. NLVN