BAGSAK-PRESYO ngayon ang sibuyas dahil sa sobra-sobrang suplay nito sa merkado sa likod ng har- vest season at ng pagkakaroon ng imported onions.
Sa Nueva Ecija, ang bentahan ng sibuyas ay nasa P15 hanggang P16 bawat kilo.
Base sa record ng provincial agriculturist, tinatayang nasa 1, 055 ektarya sa 11 siyudad at bayan ng Nue-va Ecija ay natataniman ng sibuyas.
Naniniwala si Agriculture Secretary Manny Piñol na may mga mangangalakal na nagmamanipula ng presyo ng sibuyas para mapilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa mababang presyo.
Sinabi pa ni Piñol na ang mga malalaking traders ay nagrerenta ng malamig na storage facilities para ang mga magsasaka ay mawalan ng lugar kung saan sila puwedeng magpreserba ng kanilang aning sibuyas, at mapilitan na lamang sila na ibenta ang kanil-ang produkto ng madalian sa mababang halaga kaysa mabulok ang kanilang ani.
“Today were taking actions, sapagkat nakikita namin ito, kutsabahan ito ng mga trader na may kontrol ng cold storage,” ani Pi-ñol.
Sumulat na si Piñol sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Philippine Competition Commission (PCC) para maimbestigahan ang problema at matugun-an ito agad.
“We will file charges and I think it will be PCC that will take legal action against these companies,” sabi niya.
Sa Mega Q-Mart, ang presyo ng sibuyas ay nasa P35 hanggang P40 dahil bihira ang sibuyas sa kanilang pamilihan kahit na nai-report na ang oversupply, ‘di tulad sa Balintawak Market kung saan ang presyo ng sibuyas ay mas mababa.
Comments are closed.