SIGARILYO BAWAL IBENTA SA MENOR DE EDAD

SMOKING-1

INULIT ng Department of Trade and Industry (DTI) provincial office sa Pangasinan ang kanilang babala sa retailers at kahit sa sari-sari store owners na huwag magbenta ng kahit anong produkto ng sigarilyo sa mga menor de edad kasabay sa programa ng  Department of Edu­cation na “Eskwela Ban sa Sigarilyo.”

Sinabi ni Natalia Dalaten, officer-in-charge – provincial director ng DTI-Pangasinan, na batay sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act, ang mga produkto ng tabako ay hindi dapat ibenta o kahit i-advertise sa 100 metro mula sa mga eskuwelahan, public playgrounds, or mga lugar na palaging pinupuntahan ng mga menor de edad.

“We will not hesitate to file a complaint against violators if we received reports from retailers or stores who sell cigarettes to minors,” sabi niya.

Sa  ilalim ng batas, ang mga lalabag ay puwedeng pagmultahin ng higit sa PHP100,000 para sa unang paglabag, pagkakulong ng hindi hihigit sa isang taon o pareho, – lahat ay nakabase sa desisyon ng korte.

“Aside from selling and advertising, smokers are also required to smoke in designated areas,” sabi niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga Pa­ngasinense ng masamang epekto ng paninigarilyo, tulad ng nakikitang babala sa labas ng kaha nito.

Hinimok din ng mga awtoridad ang publiko na pangalagaan ang kanilang kalusugan, at kung maaari aty tumigil na sa paninigarilyo.

Ini-report ng Department of Health na taon-taon, may 87,600 Filipino ang namamatay dahil sa sakit na dala o kaugnay ng tabako at paninigarilyo.          PNA

Comments are closed.