UPOS ng segarilyo ang pinagmulan ng pagkasunog ng 19 USV sa open parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) arson investigator cigarette butt na itinapon sa likod ng SUV Toyota Fortuner na nakaparada sa open parking area ng NAIA 3, ang siyang itinuturong o pangunahing dahilan sa pagliyab ng mga tuyong damong na nakapaligid sa parking area.
Batay sa nakalap na impormasyon, nangyari ang sunog nitong Abril 22 mga bandang ala- 1:28 ng hapon at naapula ang apoy ng ala- 1:56 ng hapon.
Sinubukan ng dalawang security gaurd na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher , ngunit bigo ang mga ito dahil mabilis na kumalat ito dulot sa malakas na hangin na siyang nagpalawak ng sunog.
Sa tulong ng Manila International Airport Authority (MIAA) fire trucks at fire trucks ng kalapit na barangay mabilis na apula at napahinto ang pagkalat ng apoy. FROILAN MORALLOS