UPANG bigyan ng distinction ang panahon ng pagsilang o kailan namuhay sa balat ng mundo, nilagyan ng kategorya at tinukoy ang generation ng bawat panahon at taon ng pagkasilang.
Ang pagtukoy sa generation ng isang taon ay naglalarawan at nagde-define ng kanyang nakagawian.
Gayundin ang naging trends noon, gaya ng panahon ng hippies, jeprox, at jejemon.
Kasama na rin ang mga gamit na salita na naging trends at mga pananamit.
Narito ang mga generations, at alamin kung saan ka belong o kasama:
Kung ikaw ay isinilang sa pagitan ng taong 1883- 1900, ikaw ay kasama sa The Lost Generation.
Subalit, wala na sigurong nabubuhay pa sa mga isinilang sa mga taon o panahong ito, at wala nang tao mula sa The Lost Generation.
1901 hanggang 1924, The Greatest Generation; 1925- 1945, The Silent Generation; 1946- 1964, Baby Boomers; 1965 – 1980; The X Generation o Baby Busters; 1981 -1996, Generation Y (Millennials); 1997 -2012, Generation Z ( iGen) at 2013 hanggang 2025, Generation Alpha.
Ang gamit na salita ang unang maglalarawan kung ang isang personalidad ay mula sa anumang generation.
Halimbawa nito, ang mga salitang Delulu, Mid, Fanum Tax, Skibidi, Rizz, Sigma, Beta, Cap, at iba pa ay pawang lengguwahe ng mga isinilang sa Generation Alpha.
By the way ang salitang SIGMA ay isang Alpha Gen word mula sa 18th letter ng Greek alphabet at isang teen slang para sa cool dude.
Isa rin itong adjective/nun na ibig sabihin ay dominant leader, lone wolf, cool and popular.
Kaya kung ikaw ay sasabihan ng Alpha Gen na “I just wanna be your sigma,” huwag ikagalit dahil ibig sabihin lang nito na gusto lang niyang maging cool leader mo.
Now, you know!
EUNICE CELARIO