ISA sa mga positibong bagay na nangyari dahil sa pandemya ay ang pamamayagpag at pagkalat ng mga webinar.
Kadalasan ay libre ang mga ito. Maaari na tayong maka-access ng eksklusibong impormasyon nang hindi lumalabas ng bahay o nagbabayad para sa mga ito.
Kung interesado ka sa kalusugan mo o ng iyong mga mahal sa buhay (sino ba naman ang hindi?) marahil ay magiging interesado ka rin sa serye ng mga webinar na ito.
Ang SMIC-ITCM (Institute of Traditional Chinese Medicine, Inc.) sa Pilipinas ay naglulunsad ng isang serye ng webinars tungkol sa kalusugan. Ang mga ito ay bukas sa publiko at isasagawa o ibibigay ng mga propesyunal at eksperto sa kani-kaniyang mga paksa.
Upang makapag-register, ipadala lamang ang iyong pangalan, edad, email address, lokasyon, at contact number sa [email protected]
Sa ika-21 ng Mayo, mula 2:00 hanggang 3:00 n.h., ang paksa ay “Sluggish, tired? TCM helps you regain your energy” na ibibigay ni Berenice Limark-Yu, MD, CAMA.
Si Marika Biag, MD, CAMA naman ay magsasalita tungkol sa paksang “Effect of the emotions to one’s health” sa ika-4 ng Hunyo (parehong oras).
Sa June 18, si Clara Ysabelle Domingo, MD, CAMA ay tatalakay sa paksang “Office workers: Neck pain, back pain self management” at si Kathryn Lopez, IND. ENG., CAA naman ay magle-lecture tungkol sa paksang “Cold hands and feet? How TCM can help you” sa ika-2 ng Hulyo.
May mga paksa nang nakalinya sa mga petsang ito: July 16, August 6 at 20, September 3 at 17, October 18 at 22, November 5 at 19, December 3 at 17, January 7 at 21, 2003, at February 4 at 18, 2023.
I-check lamang ang SMIC-ITCM’s Facebook page para sa mga detalye (facebook.com/SMICTCM).