(Signal jammer, no fly zone posibleng ipatupad) 15K PULIS IKAKALAT SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

PINAGHAHANDAAN din ng Philippine National Police ang magaganap na Pista ng Black Nazarene sa darating Enero 9, 2024 para matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng inaabangan Traslacion 2024 na inaasahang dadagsain ng milyong deboto matapos ipatigil ito sa loob ng tatlong taon.

Kabilang sa paghahanda sa seguridad ay magtatalaga ang PNP ng nasa 15,000 pulis na ipapakalat para sa pagbabantay sa inaabangang prusisyon ng Itim na Nazareno kasabay sa kapistahan ng Quiapo.

Ayon kay Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr., target nitong magdeploy ng nasa kabuuang 13,691 na mga pulis bilang paghahanda pa rin ito sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa naturang malaking aktibidad.

Sa nasabing puwersa ng mga pulis na target ideploy sa naturang malaking aktibidad ay aabot sa 5,602 police officers ang ipapakalat para sa pagbabantay sa gagawing walk of faith o prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng umabot sa 2.5 milyon na mga lokal at deboto ang inaasahang makikiisa sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno, na posible pang madagdagan.

Gayundin, sinabi ng opisyal, “Kasama sa napag-usapan ay ang no-fly zone doon sa controlled areas. But we will see as the date progresses… A few days before January 9, there will be a decision whether ia-allow ang drones. Normally naman ina-allow basta ma-register prior to the major events.”

Nabatid na tuloy tuloy ang pakikipag lpulong ng PNP sa local police, mga tauhan ng simbahan at local government ng Maynila. VERLIN RUIZ