(Signal no. 2 itinaas sa Batanes) BAGYONG CARINA LUMAKAS PA

KASALUKUYANG nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes sa patuloy na paglakas ni Bagyong Carina habang kumikilos patungo sa Taiwan.

Ayon sa PAGASA, ang pinakabagong Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) bandang alas- 11 umaga kung saan, signal no. 2 Batanes habang ang signal no. 1 naman sa Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams).
Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo 345 kilometro north northeast ng Itbayat, Batanes patungo ito sa direksyong north northwestward sa bilis na 15 kph na may maximum sustained winds na 165 kph malapit sa sentro, gustiness hanggang 205 kph, at central pressure na 940 hpa.

Samantala, inaasahan ang accumulated rainfall na 50-100 milimeters sa Batanes at Babuyan Islands mula kahapon hanggang ngayong araw. .

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in official hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” anang PAGASA.

Dagdag ng weather bureau, magdudulot ang Habagat na pinalakas ni Carina ng moderate to intense rainfall sa western Luzon mula kahapon hanggang sa Biyernes.

Samantala, inihayag ng weather bureau ang posibilidad ng pagkakasa ng storm signal number 5 sa extreme northern Luzon dahil sa malakas na hangin.

Gayundin, patuloy na magdudulot ang Southwest Monsoon ng gusty conditions sa mga sumusunod na lugar na hindi nakasailalim sa anumang storm signal, partikular sa coastal at upland/mountainous areas kung saan malakas ang hangin: Aurora, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Camiguin, at malaking bahagi ng Zamboanga Peninsula.

Epektibo naman ang marine gale warning sa coastal waters ng Batanes, Babuyan Islands, at northern portion ng Ilocos Norte at Cagayan.

“Sea travel is risky for small seacrafts, including all types of motorbancas,” pahayag ng PAGASA.

Inaasahang lalabas si Carina ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga.

Umiiral naman ang red heavy rainfall warning sa anim na lugar sa Luzon kahapon dahil sa Southwest Monsoon o

Habagat kung saan inilabas ng PAGASA ang Heavy Rainfall Warning ng alas-11 ng umaga.

Ayon sa ahensya, ikinasa ang red warning level sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Bulacan, Pampanga, at Zambales.

Samantala, ilang lugar sa Metro Manila ang binaha at hindi madaanan ang ilang kalsada dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig.

Ipinatupad din ang forced evacuation sa Marikina sa pag-abot ng ilog sa third alarm.

Gayundin, ilang motorista ang naharap sa mabigat na daloy ng trapiko sa NLEX dulot ng pagbaha.
EVELYN GARCIA